After a month...
GENERAL
"Babe! Tapos ka na sa banyo?" tanong ni Ion habang inaayos ang bag niya na dadalhin sa Showtime.
"Wait lang Babe! Malapit na," sigaw ni Vice na nasa banyo. Muli namang bumalik sa pag-aayos si Ion nang biglang tumunog ang telepono niya na nakapatong sa kama nilang mag-asawa.
1 message received
Agad naman niyang kinuha ito at binuksan. Nag-message sa kanya si Direk Bobet, ang direktor, ama-amahan at Ninong nila sa kasal.
Direk Bobet
Ion, nasa studio na
ba kayo?Wala pa po Direk,
pero papunta na poO sige. Bilisan niyo na
at may meeting pa ang
wirters at ang asawa mo.
Ibebriefing pa kayo para
sa bagong segment.Sige po, paalis na po
kami.Thank you po
sa pagpapaalala.Wala yon. Basta bilisan
niyo na. Mahigit isang oras
na lang, start na.
Sakto naman na pagkatapos niyang matanggap ang huling mensahe ng direktor ay lumabas na sa banyo si Vice na tapos nang mag-ayos ng sarili, specifically tapos nang magkabit ng peluka niya.
"Lika na Babe. Sa studio na lang ako magpapalagay ng make-up," aya ni Vice at lumabas na silang dalawa ng kwarto. Si Ion na rin ang nagprisintang magbuhat ng bags nilang dalawa. Hawak niya sa kanang kamay ang dalawang bags at sa kaliwa naman ay ang kamay ng asawa niya.
Hanggang sa makasakay sila ng sasakyan ay hindi binitawan ni Ion ang kamay ng huli, kahit na gumagamit pa siya ng telepono.
Maya-maya pa ay napansin na lang ng huli na lumuluwag na ang hawak ni Vice sa kanya, kaya napahinto siya sa paggamit ng telepono.
Nakita na lang niya ang kasintahan na nakasandal sa kanyang kinauupuan nang bahagyang nakalaylay ang ulo sa gawi niya, sa kanang bahagi. Nasa hita naman nito ang telepono na kanina niyang ginagalaw bago makatulog.
Napuyat ba to? tanong ni Ion sa isip niya habang ibinababa ang telepono niya at gamit ang isa niya pang kamay, ay hinawi niya ang isang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ni Vice. Inayos din niya ang ulo ng isa para maging komportable ang tulog nito.
Maya-maya pa ay narating na ng sasakyan nila ang ABS-CBN compound. Nang malapit na silang bumaba ay ginising na ni Ion ang asawa.
"Babe? Babe gising na. Nasa ABS na tayo," bulong ni Ion habang bahagyang inaalog ang balikat ng huli.
Nakita naman niya ang bahagyang paggalaw nito at ang dahan-dahang magdilat ng mga mata nito.
Ang ganda pa rin talaga, sa isip-isip ni Ion.
"Halika na, Babe. Doon ka na lang sa dressing room matulog," dagdag pa ni Ion. Kinusot muna ni Vice ang mata niya bago tumayo at maghandang lumabas na ng kanilang sasakyan. Nauna namang lumabas sa sasakyan si Vice para alalayan ito sa pagbaba niya. Hinigit na ni Ion si Vice ng mas malapit sa kanya at hinawakan ulit ang kamay nito.
Habang binabagtas naman nila ang kahabaan ng hallway ng ABS ay panay naman ang tingin sa kanila ng mga tao, na para bang hindi pa rin sila nasasanay sa mag-asawa. Ganoon rin naman ang kaliwa't kanang bati sa kanila ng iilang staffs.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?