ION
Naudlot ang mahimbing kong tulog nang bigla akong makaramdam ng malakas na pagyugyog sa katawan ko. Lumingon ako sa likod ako at nakita ko na nakasimangot si Vice at mukhang naiiyak pa dahil naririnig ko ang bahagyang pagsinghot niya. Agad naman akong nag-alala at umupo na ako para mas makausap ko siya ng maayos.
"Huy. Bakit? May problema ba?" tanong ko. Parang bata naman niyang pinunasan ang luha niya gamit ang likod ng palad niya.
"Magsalita ka naman, Babe. Nag-aalala ako sa'yo eh," sabi ko at saka ko hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Ako na mismo ang napunas ng luha niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ito natatapos sa kakatulo.
Sinusubukan ko siyang patahanin pero hindi pa rin talaga siya humihinto sa pag-iyak.
"Nagugutom ako," sabi niya habang hindi pa din siya tumatahan.
Inabot ko naman ang cellphone ko na nasa bedside table para tignan ang oras. Kumunot naman ang noo ko nang malamang alas-dos singkwenta pa lang.
"Babe, ang aga pa ah? Bakit naman nagugutom ka na?" tanong ko sa kanya. Nakatanggap naman ako ng sunod-sunod na paghampas mula sa kanya kaya ginawa kong panangga ang mga braso ko.
"Ehh! Nagugutom nga ako!" pasigaw niyang sabi habang hindi pa din ako tinitigilan sa kahahampas niya sa akin.
Hinawakan ko na ang kanyang mga braso para huminto na siya at nang makausap ko nang matino. Baka sa susunod kasi, sampalin na ako nito, ang bigat pa naman ng kamay.
"O sige na, sige na. Ano bang gusto mong kainin?" sabi ko na lang. Tutal marami namang pagkain sa baba, kukuha na lang ako.
"McFloat with fries po," nakanguso niyang sabi. Natigilan naman ako.
"Seryoso ka ba, Babe?" muli ko pang tanong pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Napalunok naman ako.
Agad naman akong tumayo at kinuha ko na ang wallet ko sa drawer ng bedside table. Tumungo na rin ako sa walk-in closet para kumuha ng pampalit. Kumuha na lang ako ng isang itim na T-shirt at tokong.
"Babe, sama ako," rinig kong sabi ng may malambing na boses. Naramdaman ko din ang pagyapos niya sa bewang ko at ang pagbaon ng mukha niya sa likod ko.
"Oh, sige na. Kumuha ka na ng pangbihis mo dito para makaalis na tayo," sabi ko kaya kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at lumapit sa kabilang parte ng walk-in closet para kumuha ng damit. Hindi na din niya ako pinaalis doon kahit na sa harap ko pa siya nagpapalit. Okay lang naman sa akin, sanay na din naman na ako. At saka nakita ko naman na rin yan.
Nauna na akong lumabas ng walk-in closet at kinuha ko na ang susi ng kotse sa drawer ni Vice.
Sabay na kaming bumaba at pumunta sa kotse niya. Nagpresinta na ako na ang magmamaneho.
Buong byahe namin ay nagtitipa lang siya ng cellphone. Nakataas din ang mga paa niya at isinandal niya ang mga kamay niya na siyang may hawak ng cellphone sa mga tuhod niya. Nakasuot siya ng isang sweater at maong short-shorts.
Nang may madaanan kaming isang branch ng McDo ay agad akong nag-U Turn at tumungo sa drive thru.
"Good evening Sir, welcome to McDo! What is your order?" tanong ng kahera na nakaabang sa bintana ng drive thru.
Lumingon naman ako sa katabi ko na busy pa rin sa kakatipa sa cellphone niya.
"Babe, ano raw yung order mo?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako at natigilan siya saglit, para siguro isipin kung anong bibilhin namin.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?