VICE
"BABE! Ayun oh!!!"
"Saan?!"
"Sa kaliwa mo!"
Wondering anong ginagawa namin? Pinapakuha ko siya ng mangga. Kakagising lang namin from a nap tapos bigla akong nag-crave sa mangga. Maybe dala ng paglilihi. Wao paglilihi, akala mo talaga may matres.
Nung kinukulit ko si Ion kanina, tinatalikuran niya lang ako at gusto niya pang matulog ulit. Ipakuha ko na lang daw sa mga Angels namin yung mangga o kaya magpabili. Kung di pa ako nainis at umiyak di siya aakyat ngayon sa puno ng mangga.
At dahil matagal pa naman siya, umupo muna ako sa sala habang nakataas ang paa sa center table at nagtitipa sa telepono. Nang matapos siyang manguha ng manga don sa puno malapit dito sa bahay, agad naman siyang pumasok sa loob at inilapag sa harap ko ang palanggana na pinaglagyan niya ng mga napitas na mangga. Agad naman akong umayos ng upo.
"As requested, ayan na yung mangga mo Madam." Sabi niya sabay upo sa tabi ko. Napansin ko naman ang t-shirt at mukha niyang naliligo na sa pawis. Inabot ko naman ang towel na nakasampay sa arm rest ng sofa at mas lumapit sa kanya.
"Grabe naman pawis mo Babe. Di ka naman nag-gym." Puna ko habang pinupunasan siya.
"Nakakapagod kayang akyatin yung puno don, tas maghanap ng malalaking mangga." Nakangusong sabi niya. Nang masiguro kong napunasan ko na ang pawus sa mukha niya ay agad ko siyang binigyan ng smack.
"Tenchu pooooooo." At hinarap ko na ang mga mangga na kanina pa naghihintay na makain ko. Nakita ko naman ang pagdating ni Jackie na may dalang bote ng bagoong, kutsilyo at platito. Na-excite naman ako lalo at nagsimula nang magbalat ng mangga.
"Ay oh, di na ako pinansin." Napalingon naman ako sa katabi ko. Tinignan ko lang siya at bigla akong nagpasak sa bibig niya ng isang pisngi ng mangga na nahiwa ko na.
Nang matapos ako sa pagbalat ng limang mangga ay agad na akong naglagay ng bagoong sa platito, at nagsimula na akong lantakan ang mangga. Ugh, sarap.
"Meme? Ready ka na?" tanong ni Jan habang papasok siya sa loob ng bahay. Nakita niya naman na kumakain pa kami ng mangga ni Ion.
"Meme tara na, need mo na magpa-make up. May show pa kayo sa Calamba 'di ba?" tinanguan ko lang siya at kumagat ulit ako sa mangga bago ako timingin sa kanya.
"Nandyan na ba si Jelly?"
"Kanina pa Meme, nandun na rin si Aaron. Kayo na lang ni Ion ang hinihintay sa taas." Tumayo na si Ion at inabot sakin ang kamay niya. Hinawakan ko 'yon at inalalayan niya ako sa pagtayo. Pinaligpit ko na lang yung pinagkainan namin sa mga Angels ko at umakyat na kami sa taas para maayusan na.
Since nakaligo naman na ako kanina, ako na ang unang inayusan nila Buern. Ako rin kasi yung mas matagal na aayusan sa aming dalawa ni Ion kaya kailangang unahin ako, hehe.
At dahil nanguha ng mangga si Babe kanina, hinayaan ko na muna siyang maligo. Nagrereklamo na rin kasi siyang nanlalagkit na siya.
And after almost one hour of make-up and prayers sa mukha ko, natapos na rin sila sa mas pagpapaganda sa'kin. Hello? I only need make up to enhance my beauty.
"Meme, nakaready na don sa table yung susuotin mo. Sabihan mo lang ako if in case di mo bet or gusto mo papalitan." Tinanguan ko na lang si Aaron dahil kasalukuyan akong gumagawa ng iba't ibang facial reaction habang nag-a-IGS. Nang matapos ako ay nagtungo na ako sa table kung saan nakalatag yung mga susuotin namin ni Ion. Off-white shirt na white, maong shorts, Off-white belt and Nike Air for my outfit and Off-white shirt na black, maong pants and Nike Airforce One for Ion. Nice.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?