"Buntis ka ba anak?"
"Nay?" Nagtatakang tanong pabalik ni Vice. "Saan mo naman nasagap yang tanong na yan?"
"Anak, sagutin mo na lang ang tanong ko." Mariing sabi ni Rosario na ikinagulat naman ng bahagya ni Vice. Nagtataka rin ang iba nilang kasama sa lamesa, pero hinihintay rin nila ang sagot ni Vice, lalo na ang matatanda sa lamesa na si Bobet, Zeny, Amy at Kim.
"H-Hindi po."
"Ano?"
"Hindi po. Saan niyo po ba kasi nakuha yang tanong na yan?" Nagtataka at gulat pa ring tanong ni Vice sa kanyang Ina.
"Anak, sigurado ka ba?" Biglang singit ni Zeny . Walang pagdadalawang isip namang tumango si Vice
"Yes po, Nay. At saka paano naman po ako mabubuntis? Eh wala naman po akong matres," natatawang sabi ni Vice habang tinitignan ang mga kasama nila sa lamesa.
"Sigurado ka ba talaga?" Tanong ni Bobet sa anak-anakan. Kagaya ng kanina ay tumango lang din si Vice.
"Pero bakit nitong mga nakalipas na linggo, panay ang kain mo ng mga weird na pagkain?" Hindi kumbinsidong tanong ni Karylle.
"Ah yun ba? May nakita kasi akong video sa YouTube na nagtatry sila ng weird food combinations tapos sinubukan ko. Di ko naman alam na masarap pala yon, so nag-seach pa ako ng ibang food combinations para ma-try," paliwanag ni Vice. Kumunot naman ang noo ng mga kasama nila sa lamesa, kaya agad na tinanong ni Zeny ang anak.
"Ay oo, 'Nay. Nakita ko siya nung nakaraan na nanonood nga ng mga ganun. Hindi ko na lang pinansin kasi baka trip niya lang panoorin yon. Di ko naman alam na susubuksn niya pala kainin yon," nagkikibit-balikat na sabi ni Ion habang tuloy pa rin siya sa pagkain ng steak.
"Aray!" mahinang daing ni Ion nang makaramdam siya ng kurot sa braso niya, na dulot ng asawa niyang masama ang tingin sa kanya.
"Tigilan mo nga muna yang pagkain mo," pabulong na saway sa kanya ni Vice kung kaya't binaba niya muna ang kubyertos na hawak niya.
"Eh how about yung pagkahimatay niya nung kamakailan?" Tanong ni Teddy.
"Sabi po ng Doktor na tumingin kay Vice, lagnat at over fatigue lang naman daw po. Normal lang naman daw po yon dahil nung mga nakaraang linggo, hectic din ang schedule ni Babe at papalit-palit ang oras ng taping," paliwanag ulit ni Ion.
"Eh bakit nung nagpunta yung Doctol sa room ni Mommy, sinabihan ka niyang bumaba?" Nagtatakang tanong ni Ryan kay Ion.
"Uhm... Mr. Perez?" pagtawag ng doktora kay Ion. Lumingon naman ito sa kanya.
"Sumama ka sa office ko. May pag-uusapan tayo," nakangiting sabi ng huli. Tumayo naman si Ion at humarap sa asawa.
"Lab, bababa muna ako ha?" tumango naman si Vice bilang pagpayag. Lumingon naman si Ion sa gawi nila Ryan.
"Kuys, Ryan, kayo na munang bahala kay Vice ah? Bababa lang kami."
Pagdating nila sa opisina ng Doktora ay agad na pumunta sa kanyang mesa ang Doktora at umupo.
"Mr. Perez, please take a seat," nakangiting paanyaya nito. Agad namang umupo si Ion at hinarap ang Doktora.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?