VICE
"GOOD morning, Mr. and Mrs. Perez, please take a seat." Nakangiting sabi ni Doctor Galvez nang makapasok kaming mag-asawa sa loob ng opisina niya.
"So how's everything going between the both of you?" Tanong ng doktor.
"Ngayon maayos naman pa rin naman, Doc. Ganon pa rin, bahay—trabaho—bahay. Wala naman masyadong pinagkaaabalahan." Sagot ni Ion.
"Ano ba naman 'yan? Doc pa rin? Ilang taon na ba tayong magkakakilala? Bakit naman ang pormal niyo pa rin sa'kin?" Natatawang puna ni Doktora Galvez sa sinabi ng asawa ko.
"Eh alam mo naman yang si Ion, ganyan na siya ever since. Para namang 'di mo naging ex yan, Raissa." Nakita ko naman ang pamumula ng asawa ko at ang paghagalpak ni Raissa. Ang asawa ko naman nahiya pa, para namang wala silang pinagsamahan ni Raissa.
Kung nagtataka kayo kung bakit nasa hospital siya, kung bakit at paano siya naging doctor, at kung bakit malapit na kaming tatlo, lalo na kaming dalawa ni Raissa, sige ie-explain ko.
So, nagkita kaming tatlo sa isang event, kasama na niya n’on yung naging asawa niya ngayon. Nagkausap kami d’on, and then we realized na okay kami, na okay na rin pala silang dalawa ng asawa ko. After that event, we kept in touch with each other. Minsan nandito siya sa bahay, kasama rin yung mga nasa Showtime. Kaya ri magkakasundo na sila ngayon eh. Tapos mga six months after ng kasal namin, doon lang namin nalaman na she quitted modeling na raw, mga 4 years ago, to continue her internship and her another dream aside sa modeling—to become a doctor. Tapos mga a month after, niyaya na siyang magpakasal ni Mike, yung jowa niya, then the rest is history.
"Kung sabagay, I should've known HAHAHA!" Sabi pa ni Raissa. "So ayun na nga, balik tayo sa agenda natin for today. Kung 'di ako nagkakamali, nagconduct ng general check-up si Doctor Chavenia sa'yo nung isang araw? Tama ba?" Tanong niya sa'kin.
"Yeah."Sagot ko. Tumango naman siya at nagsimulang magsulat sa papel na naka-attach sa clipboard na nasa harap niya.
"Good news, most of the tests conducted for your general check-up were negative."Nakita ko naman ang pag-ngiti ni Ion na nasa harap ko, pero di tulad niya ay nagsalubong ang kilay ko.
"Most???" paglilinaw ko. Baka kasi may mali lang yung pagkakarinig ko.
“Uhm… yeah. And you should know na seryoso ‘to.” Sabi ni Raissa na lalo ko namang ipinagtaka.
“A-ano ba ‘yon?” tanong ni Ion. Naramdaman ko na kagaya ko, kinakabahan na rin siya.
“Bago ko sabihin kung ano, okay lang ba kung nandito sa loob ang asawa mo or gusto mong lumabas siya? The things that we will talked about is quite sensitive.” Napatingin ako kay Ion, ganoon rin ang ginawa niya sa’kin.
“Gusto mo ba dito sa loob? Or maghihintay ka na lang sa labas?” tanong ko sa kanya.
“Ayos lang naman na nandito ako sa loob, para rin maintindihan ko agad yung sasabihin ni Raissa.” Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti at muling bumalik ang tingin ko kay Raissa.
“So nag-negative lahat ng test mo except sa isa…” sabi niya at nilipat ang page ng papel na nasa clipboard niya. “… your result for pregnancy test turns positive.”
“H-ha?” Halos sabay naming usal ni Ion.
Pregnancy test? Positive? Paano?
“M-magkaka-junior na ba ako? O baka naman princess?” tanong ni Ion na nakapagpalingon sa’kin. Nakita ko na lang siya na nakatitig sa bandang tyan ko.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?