VICE
Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng telepono ko. Ano ba naman! Sarap ng tulog ko eh. Mga daot talaga yung tao ngayon.
Umalis ako mula sa pagkakayakap ko sa katawan ni Ion at nakapikit kong inabot ang telepono ko sa bedside table. Idinilat ko lang ang isang mata ko para makita kung bakit tumutunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Sir Deo, so I have no choice kundi sagutin yung tawag niya.
"Hello? Sir?" inaantok kong sabi. Istorbo sa tulog eh. Char.
"Sorry kung nagambala ko yung tulog mo ah? Pero baka lang kasi makalimutan mo yung appointment mo mamaya," sabi ni Sir Deo. Bumalik ako sa posisyon ko kanina na nakayakap ako kay Ion at yung ulo ko na nasa dibdib niya.
"Istorbo ka nga, Sir," simple kong sabi habang nakapatong lang sa tenga ko yung telepono. Nakatagilid naman kasi ako kaya di naman malalaglag yung phone.
"Heh! Ang sabihin mo, naghaharutan lang kayo ng asawa mo! Harot mo talagang bakla ka," sabi ni Sir Deo kaya 'di ko naiwasang mangiti.
"Wag ka nga, Sir. Natutulog pa si Ion. Ang aga-aga, ang ingay mo," natatawa kong sabi. Napalingon naman ako sa kasama ko at nakita ko siyang bahagya pang nakanganga at naghihilik ng mahina.
"Ay basta. Ayun na nga, may appointment ka later with Star Cinema," sabi ni Sir Deo. Naguluhan naman ako. Ano kamo?
"Huh?" taka kong tanong.
"Remember yung nag-meeting tayo last 3 months ago? Yung about sa mga upcoming projects mo?" pagpapaalala ni Sir Deo sa akin. Ah! Now I remember.
"New movie ba, Sir?" tanong ko.
"Yes, and you need to be there at exactly 10 am. Para naman makapasok ka pa ng Showtime mamaya," pagpapaliwanag naman niya. Tumingin ako sa orasan na nasa taas ng pinto ng CR ng kwarto namin. 7:24 am.
"Sige Sir. Magpe-prepare na ako," sabi ko at ibinaba naman na ng manager ko ang tawag.
It has been 2 and a half weeks na since bumalik kami sa pagtatrabaho ng asawa ko. At sa totoo lang, nakakapagod na talaga siya. Parang ilang buwan napahinga, ano?
Nag-alarm ako ng 8:15 sa phone ko at natulog ulit. Para naman sigurado na hindi ako male-late mamaya. Nakakahiya naman sa mga executives.
Yumakap na ako kay Ion at ginawa ko nang unan ang dibdib niya. Inaantok pa talaga ako, sorry.
Nagising ulit ako sa tapik ng kung sino mang gumigising sa maganda kong tulog. Pero instead na bumangon ako ay muli akong natulog.
Maya-maya ay nakaramdam na naman ako ng pagtapik, pero this time, sa may bandang pwetan ko na. I groaned at nilingon ko ang damuhong nanggugulo ng tulog ko.
"Gising ka na, Babe," sabi ng damuho kong asawa. Kinunutan ko naman siya ng noo.
"Sorry. Alam kong inaantok ka pa. Pero nagising kasi ako sa alarm mo. So inakala ko na may pupuntahan ka kasi maaga yung alarm mo," paliwanag niya. Nawala naman ang pagkunot ng noo ko nang maalala ko ang lakad ko.
Muli akong tumingin sa orasan para tignan kung mahuhuli na ba ako. Pagtingin ko ay 8:21 na kaya tumayo na ako sa kama at nag-unat-unat.
Habang nag-uunat ako ay lumapit naman sa akin si Ion at hinalikan ako sa noo bago umalis sa harap ko at pumunta ng walk-in closet niya. At ako naman ay pumunta na sa CR para maligo at magmumog.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa walk in closet para makapaghanap ng maisusuot. Hindi ko naman na naabutan si Ion doon, baka bumaba na siya.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?