ION
"Babe? Babe gising na," mga salitang unang narinig ko nang magising ang diwa ko. Bahagya pa akong kumurap dahil sumisilip mula sa balcony yung sinag ng araw.
Napatingin ako sa gawing kanan ko at nakita kong nakahiga pa din si Vice sa dibdib ko, pero nakatingala siya at nakatingin sa akin.
"Good morning Babe," bati ko sa kanya sabay halik sa labi niya.
"Good morning poooo," sabi niya sabay yakap sa katawan ko.
"Kamusta ang tulog mo, Babe? Yung katawan mo?" tanong ko sa kanya. Alam ko kasing sumakit yung katawan niya dahil sa ginawa namin kagabi.
"Okay naman po yung tulog ko," sagot niya sa unang tanong ko. "Pero yung katawan ko, not so okay po," sumbong niya habang nakatingin sa akin at naka-pout. Tsk. Kawawa naman yung baby ko.
"Aww! Kawawa naman yung Babe ko," pagbe-baby talk ko. Gumilid ako ng bahagya at hinaplos ang mukha niya. "Saan po yung masakit?"
"Balakang hanggang legs po," pagbe-baby talk niya din habang itinuturo yung mga parts ng katawan niya na masakit.
"Babe, ang sakit," sumbong niya ulit. Nakita ko na naiiyak na siya kaya agad akong nag-alala.
"Masakit po ba talaga?" tanong ko pa sa kanya kaya hinampas niya ako.
"Masakit nga! Ikaw kasi, kung makabaon ka din ng alaga mo, wagas!" naiinis na sabi niya pero tinawanan ko lang siya. Tapos paglingon ko, ang sama ng tingin sa akin. Hala.
"Hindi, joke lang Misis. Lika, masaiin natin," pag-o-offer ko.
"Ano? Masaiin?" tanong niya ulit habang nakangiti niya ako tinitignan.
"Oo. Masaiin," takang sabi ko. Ano bang mali don?
Nakarinig nalang ako mg malakas na pagtawa galing sa kanya. Mood swings ba yan?
"Bakiiiit?" tanong ko pero mas tinawanan niya lang ulit ako.
"Masahiin kasi yon, Babe. Ano ba yang dila mo. Kamag-anak mo ata talaga si Ryan eh," natatawa niyang sabi.
"Halika na. Massage na natin yung legs mo para di na masyadong sumakit," sabi ko at pinahiga siya ng deretso. Tumayo muna ako sa kama at sinuot ang boxer shorts ko na bagong tupi at nasa gilid lang ng bedside table. Hindi pa pala 'to nailalagay sa closet.
"Uhm... Babe?" tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya. "Ano po yun?"
"Paabot naman ng isang shirt at yung panty ko," nahihiya niyang sabi habang nakatakip pa yung kalahati ng mukha niya gamit yung kumot.
Doon na din ako kumuha ng damit niya sa bagong laba para hindi na din ako pumunta sa closet niya. Matatagalan ako sa paghahanap ng isusuot niya eh.
Umupo na ako sa tabi niya at tatanggalin ko na sana yung kumot niya ng pigilan niya ako.
"Oy, oy, oy!" pagpipigil niya sa akin. Huminto naman ako at tinignan siya. "Anong gagawin mo?!" gulat na tanong niya.
"Susuotan ka ng damit," simpleng sabi ko. Akmang tatanggalin ko na ang kumot niya nang pigilan na naman niya ako.
"Ako na! Ako na!" sigaw niya pero hindi naman siya galit.
"Ako na. Ito naman nahiya pa sa akin. Eh nakita ko naman na yan kagabi," sabi ko at tuluyan ko nang hinawi ang kumot at sinuotan na siya ng panty. Hindi na niya ako pinigilan pero nakita ko na napatakip na lang siya ng mukha sa hiya.
"Kaya mo bang umupo?" tanong ko sa kanya. Baka kasi masakit din yung likod niya. Inalis niya yung pagkakatakip ng mukha niya at tinignan ako.
"Hindi po," mahinang bulong niya. Agad akong umalalay sa likod niya at hinila siya para makaupo siya. Tinulungan ko na din siya sa pagsusuot ng t-shirt.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?