"Kailan niyo ba balak magka-anak, 'Mi?" takang tanong ni Ryan.
"Baka mas dapat mong itanong, ay kung may balak ba silang dalawa na magka-anak."
Napalingon silang dalawa sa gawi ni Vhong. Nakita nila itong prenteng nakaupo sa monoblock chair habang nagtitipa sa telepono. Nakataas ang mga paa nito sa isa pang monoblock chair na nasa harap niya. Maya-maya pa ay nilingon niya ang mga ito.
"May balak ba kayong mag-anak?" tanong ni Vhong habang diretsong nakatingin kay Vice.
Sa hindi malamang dahilan ay natigilan si Vice.
"Syempre naman Kuys..."
Napatingin naman sila sa nagsalita. Nakita nila si Ion na nakatayo sa pintuan. Lumapit ito sa kanyang asawa at humalik sa mata nito. Umupo ito sa monoblock chair sa tabi ng asawa at hinawakan ang kamay ng huli.
"At saka bagong kasal lang naman kami Kuys. Gusto muna naming enjoy-in yung isa't isa," katwiran ni Ion.
"Kung sabagay. Pero kung sakali, handa na ba kayo?" tanong ulit ni Vhong sa dalawa. Nagkatinginan naman ang dalawa.
"Ako oo. Ikaw ba, Babe?" tanong ni Ion sa asawa. Ilang segundo siyang tinitigan nito bago sumagot.
"Kung ikaw yung kasama ko along the way, oo naman," mahinang sagot ni Vice at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Ion.
"Sleepover tayoooo!"
"Tagal na din ng huling sleepover natin 'no?"
"Aww! Namimiss ko na din bonding moment natin na walang work at all."
"Hoy hoy hoy. Ano yan? Ano yan?"
Napatingin naman lahat ng tao sa gawi nila nang biglang magtanong si Vice habang papasok sila ni Ion sa lounge nang magka-akbay.
"Vicey, we were just thinking if we could have a sleepover. Tagal na din kasi nung huling bonding natin eh," nakangiting paliwanag ni Karylle.
Umupo naman silang mag-asawa sa bakanteng upuan sa pagitan ni Anne at Karylle.
"Free din naman kasi yung sched ng karamihan so we decided na i-push," gatong ni Anne na nasa tabi ni Vice.
"Kaninong bahay naman aber?" tanong ni Vice habang nakasandal ang likod sa katawan ni Ion.
Nagkatinginan naman ang lahat hanggang sa magawi ang tingin nila sa mag-asawa.
"Oh? Anong tingin yan?" takang tanong ni Vice sa lahat.
"Sa inyo na lang," sabay-sabay na sabi nila.
"Bakit naman sa amin?" gulat na tanong ni Vice.
"Hindi pwede sa house namin. Doon gagawa ng kanta ngayon sila Yael and nagkalat yung instruments nila kung saan-saan. Di pa ako nakakapaglinis," katwiran ni Karylle.
"Alam mo naman na sina Thei John. Baka manggulo lang sa atin yun so hindi pwede," sabi ni Teddy.
"Maliit yung space namin Ate," sabi naman ni Jugs.
"Ay Meme, alam mo naman sila Isabella..." sagot naman ni Mariel.
"Ganun din ako Sis. Kukulitin lang tayo ni Bagets," katwiran naman ni Anne.
"Hindi pwede sa condo ko 'Mi. Masikip dun," sabi ni Ryan.
"Sorry Cutiepie. Nandun sila Mama ngayon sa bahay eh." katwiran naman ni Jhong.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?