VICE
Reception.
Ang saya lang. Sobra. Yung makita mo yung family and friends mo na masaya for you, even yung ibang bisita, makikita mo sa mukha nila na they are happy for the both of us.
Nakapagpalit na ako ng isang puting cocktail dress at katatapos lang namin magsayaw na dalawa habang sinasabitan kami ng mga pera sa damit naming dalawa ni Ion. Ngayon, ay kumakain na ang lahat mula sa kani-kanilang mga table. Enjoy na enjoy ang lahat. At opo, ang sarap talaga ng food. Halos lahat ng handa ay kapampangan food at ilocano food, making it more personal sa aming dalawa ni Ion.
Pero bago pa man kami magsimulang kumain lahat, ang walanghiya kong kaibigan na si Vhong at Jhong ay biglang itinaas ang mga wine glasses at ang tinidor nila, sabay ginamit nila yung tinidor para patunugin yung baso.
Tapos nakita nung iba kaya ginaya nila yung ginawa ng dalawa kong kolokoy na kaibigan.
Nagkatinginan lang kami ni Ion. No one dared to speak. Nye.
"Oy! Anuna? Maghalikan na kayo! Baka mabasag na yung mga baso!" sigaw ni Vhong sa aming dalawa. Natawa naman yung ibang bisita namin.
Tumingin ulit ako sa asawa ko. Yiie! Kilig aku.
Dahan-dahan na niyang inilapit yung mukha niya sa akin. It was an inch between us when he suddenly spoke.
"Mahal kita," before I could answer back, he gave me a quick passionate kiss.
"Mas mahal kita," nakasagot lang ako nung humiwalay na siya sa halikan namin.
At last! Kumain na din sila after namin magtukaan ng asawa ko. Kumakain na kaming dalawa. And guess what. Sinusubuan niya lang naman ako.
"Ano ba yan? Bakit kailangan akong subuan? May kamay naman ako," nagtataka kong sabi sa kanya.
"Ikaw po kasi yung baby ko," simple niyang sagot sabay lapit ng kutsara na may laman ng ulam at kanin sa bibig ko. Agad naman akong ngumanga para masubo na yon.
"Kapag ako talaga naihi dito," bulong ko.
"Bakit naman?" tanong niya. Narinig pala.
"Pinapakilig mo na naman ako," buong pagpapabebe kong sabi sabay sandig sa balikat niya. Hinawakan ko din ang kwintas na bigay niya at tinignan na lang ito.
"Okay lang kiligin. Basta sa akin," sabi niya sabay hawak sa kamay ko na nakahawak sa kwintas ko.
We stayed in that position for about a minute nang pumunta sa gawi namin ang pamangkin niya, yung anak ni Liza.
"Oh? Bakit nandito ka? Nandun si Mommy mo ah?" malambing na sabi ni Ion habang binubuhat ang bata papaupo sa lap niya.
"Mimiss kita Tito," sabi nung pamangkin niya. Hinaplos niya yung ulo nung bata.
"Gusto mo ba nito?" sabi niya sabay alok ng isang pirasong chicken leg galing dun sa plato namin. Di naman nagsalita yung pamangkin niya at kinuha lang yung pagkain.
I smilingly sighed. I can really see Ion as a good father figure. He will do great. I'm sure of that.
I can't wait to build my own family with him. Hayyy.
Nagising na lang ako sa pagmumuni-muni ko nang may makita akong biglang nag-flash sa bandang kanan ko. Parehas kaming napatingin ni Ion kung saan nanggaling yon.
"Ay tanga. Magso-stolen ka na lang, may flash pa," bulong ni Babot kay Emma na narinig pa din namin, dahil malapit lang ang table namin sa kanila.
"Mga stalker!" nasabi ko na lang sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?