VICE
"Welcome Back, Ate Vice!"
Nagulat naman ako sa sigaw na bumungad saakin pagkabukas ko ng dressing room ko. Nakakita ako ng mga lobo na may nakalagay na "Congrats, Mrs. Perez!" at nakita ko lahat ang katrabaho ko sa Showtime. Aww!
"Thank you~!" natutuwa kong sabi. God, namiss ko 'to kahit isang linggo lang naman kami nawala ng asawa ko.
Lumapit naman sa akin ang mga host at kanya-kanya sila ng yakap sa akin at bumubulong ng mga kalokohan at wishes nila sa aming mag-asawa.
I'm just blessed that I have an extended family like them.
Pagkatapos naman ay natira ang mga host dito sa dressing room ko at nagkuwentuhan muna kami. Buti na lang pala at nakapag-ayos na ako kanina pa.
"So ano na, girl? Magkwento ka naman!" pangungulit sa akin ni Anne. Nagpanggap naman akong walang alam at nagmaang-maangan.
"Ano namang ikukwento ko?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Edi yung honeymoon niyo. Duh!" pagsingit naman ni Karylle na nagawa pa akong ikutan ng mata.
Pag ako nainis sa kulot na 'to, uunatin ko buhok niyan. De charot lang. Lab ko yan kahit ganyan yan minsan.
"Ano na ba, Brad? Naka-3 points ba? Ilang rounds?" Sunod-sunod na tanong ni Vhong na ikinagulat ko naman.
"Cutipie, ano-anong part ng bahay yung nabinyagan niyo na? O nag-change location naman ba kayo?" segunda na tanong naman ni Jhong sa akin.
Nagulat naman ako nang akbayan ako ng katabi ko at siya na ang sumagot sa mga tanong nila.
"3 rounds lang. Pero half-court shot," pagmamayabang ni Ion kaya hinampas ko yung dibdib niya. Naghiyawan naman yung mga hosts.
I can feel my cheeks burning up, so I decided to cover it using my two hands.
"Namumula si Sis!" kantyaw ni Anne nang mapansin niya ang ginawa ko kaya lalo silang nagtilian at nakatanggap pa ako ng hampas sa braso at mahihinang tulak mula sa kanila.
"'Wag niyo na nang inaasar si Vice! Eto talagang mga batang 'to," pagsaway naman ni Tyang Amy sa kanila pero di siya pinakinggan ng mga ito, lalo pa silang humiyaw, hayuf.
Sinamaan ko naman ng tingin si Ion at kumalas ako mula sa pagkaka-akbay niya sa akin. Hmp! Bahala siya dyan, bwisit siya. Pinagkalat pa talaga.
Lumayo pa ako ng bahagya dahil sa inis ko sa kanya. Punyeta siya.
Napansin naman ni Jugs yung ginawa ko at tinawag niya ang antensyon ng lahat nang sumigaw siya.
"Ayan na! Nagtatampo na si Ate Vice!" sigaw niya kaya kanya-kanya naman sila ng utos kay Ion na suyuin na ako.
"'Tol, lambingin mo na!"
"Hina naman ni Ion!"
"Oy, mag-sorry ka kay Vicey!"
"Nako, kapag yan nainis ng ganyan katagal, yari ka!"
"Nako! Hayaan niyo nga yan!" buryong sabi ko. Nako Ion, 'wag ka lang talagang magkakamaling tumabi sa akin sa kama mamaya.
Maya-maya, naramdaman ko na lumundo ang kaliwang bahagi ng sofa at nakaramdam ako ng paghawak sa pisngi ko.
"Uy, sorry na, Babe. Joke lang naman yun eh. Sinagot ko lang naman yung mga tanong nila," sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya at nagpapa-awa. Naka-pout pa ang mokong, oh.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?