Mrs Perez || 1

4.5K 97 67
                                    




VICE

"You may state your vows to each other," sabi ng pari, kasabay ng pagbibigay ng sakristan ng mic kay Ion, ang soon-to-be husband ko in a few minutes.

"Pasensya na kung wala akong naihandang wedding vows na sasabihin ko ngayon. Kaya 'wag kang masyadong mag-expect na maganda yung mga linyahan ko maya-maya," sabi niya habang nakatapat yung mic sa kanya. Natawa naman ang mga bisita namin.

"Okay lang. I would still appreciate it," nakangiti kong bulong sa kanya sabay pahid ng mga pawis na nagsisimula na namang mamuo sa noo niya.

Huminga muna siya ng malalim bago muling magsalita at tumingin sa akin. "Aaminin ko, na simula pa lang noong bata pa lang ako... May pagka-loko na talaga ako. Nadala ko 'yon hanggang sa magbinata ako. Ang dami na ding babae ang dumaan sa buhay ko. Hanggang sa dumating yung araw na 'di ko inaasahan..." huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa mga tao na nasa bandang likuran ko, ang mga kapatid at nanay ko.

"Nung nakilala kita sa GGV, akala ko biruan lang yung mangyayari. Pero hanggang sa makauwi na lang ako noon sa bahay, naisip pa din kita. Nung nagsimula ako bilang Kuya Escort sa Showtime, akala ko trabaho lang yung magkakaroon ako. Hindi ko alam... Doon ko na pala mahahanap yung talagang katapat ko, yung sigurado akong makakasama ko hanggang sa pagtanda," sabi niya kung kaya't napatili ang karamihan sa mga tao na nasa simbahan. Nakita ko din ang pasimpleng pagpahid ng luha ni Nanay Zeny at ang pag-alo sa kanya ni Natalia. Kapwa silang nakangiti sa amin.

"Ang ganda mo, Sis!" sigaw ng ever supportive girlfriend at bridesmaid ko na si Anne.

Napatingin ako sa kanya at ngumisi. "I know right?" medyo pataray kong sabi at natawa na naman ang mga bisita namin. Tumingin ulit ako sa mapapangasawa ko.

"Ikaw yung isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. At kagaya ng pangako ko sa'yo, gagawin kitang reyna ko, poprotektahan kita, ipagmamalaki kita. Dahil kahit kailan, hindi kahihiyan ang magmahal ng isang katulad mo," sabi niya kasabay ng paghingos niya at pagpunas ng luha na umalpas sa kanang mata niya.

Nakarinig na lang ako ng mga mumunting tilian mula sa mga kaibigan kong babae at bakla.

"Kaya Belat, Bibi, Babe... Sana samahan mo ko hanggang dulo. Hangga't mapatunayan natin na may forever," pagkatapos ay hinalikan niya ako ng matagal sa noo, kung kaya't napapikit ako. Ang narinig ko na lang din ay mga palakpakan at ang malakas na kabog ng dibdib ko. Tapos isinuot na niya ang singsing sa akin at binigyan na naman ako ng isang mabilis na halik sa noo.

He really never fails to make the butterflies on my stomach go crazy.

Inabot naman na ni Ion sa akin yung mic at inayos ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mata ko, kahit na nakabelo pa ako.

Inilabas ko muna yung papel na nakatago sa dibdib ng gown ko, kaya ang dami kong narinig na natawa, kasama na si Ion.

"Brad ang baboy!" sigaw ni Vhong kaya lalong natawa yung mga tao. Hindi ko siya pinansin at itinuon lang ang pansin ko sa papel at kay Ion.

"Ako kasi, may naihanda na akong wedding vows for today. Pero since kanina, wala ka namang binasa kanina, hindi ko na din babasahin yung sa akin," sabi ko sabay punit ng papel na hawak ko sa dalawang piraso at agad namang pumunta si Billy upang abutin ang mga piraso ng papel na napunit ko.

"'Di ba sabi ko sa'yo, dapat in all times, fair tayo? Kaya ayan pinunit ko," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Kaya mahal kita eh," sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

"Huy, mamaya na. Hindi pa naman 'You may kiss the bride' eh," nangingiti kong sabi. "Mag-sa-start na nga ako," sabi ko at saka ako tumikhim.

"All these years, I was seeking for love. I've met a lot of guys before. I thought, sila na. Hanggang sa dumating ka sa buhay ko. I have never been loved this way before. Hindi dahil sa nakita ko yung ibang klaseng lakas ng loob mo at paninindigan na meron ka kung bakit kita minahal... Minahal kita kasi ikaw yan," hindi ko na napigilang maging emosyonal. I just loved this man infront of me.

Buhay Misis | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon