Mrs Perez || 20

1.9K 68 25
                                    








ION




Nang matapos ang dinner namin kasama ang It's Showtime family ay agad nang nagyayang umuwi ang asawa ko. Mukhang napagod at na-stress sa mga ibinatong tanong sa kanya.

At dahil biglaan lang din naman ang pagpunta ni Nanay at Nanay Rosario ay sa bahay na lang namin sila pinatuloy, anong oras na rin kasi.

Mula nang matapos ang dinner namin at hanggang sa makasakay kami ng van ay wala nang naglakas loob na magsalita sa aming apat.

Pagkababa naman namin ng sasakyan ay agad na kaming dumiretso sa taas para magpahinga na.

"Nay, Nanay Zeny, dito na po kayo sa guest room matulog," sabi ng asawa ko habang akay si Nanay Rosario.

"Sige na, magpapahinga na kami mga anak," sabi ni Nanay at saka lumapit sa aming dalawa para bumeso. Ganon rin ang ginawa ni Nanay Rosario sa amin.

"Magpahinga ka na rin anak, ha? Alam kong napagod ka ng husto kanina," Hindi naman nakalagpas sa pandinig ko ang bulong ni Nanay kay Vice at ang marahang paghimas nito sa braso ng asawa ko.

Pagkapasok naman namin sa kwarto ay pabagsak na humiga ang asawa ko sa kama habang ako naman ay dumiretso muna sa banyo para umihi at mabilisang magsipilyo.

Paglabas ko ng banyo ay hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya sa kama. Nilapitan ko na siya at umupo malapit sa bandang hita niya.

"Huy. Bago ka matulog, magpalit ka na," sabi ko pero umungol siya at ibinaling lang ang mukha niya sa kabilang parte ng kama. Aba.

Kinurot ko naman ng bahagya ang hita niya kung kaya't napadaing siya at hinampas ang braso ko.

"Ano ba!?" pasinghal na sabi niya pagkatapos niya akong hampasin.

"Tumayo ka na kasi dyan. Magpalit ka na do'n. Matutuyuan ka ng pawis eh," pangaral ko pa sa kanya.

"Tinatamad akong magbihis, Babe," sabi niya habang nakanguso at nakatingin sakin.

"Magbibihis ka o huhubaran kita?" May pagkapilyo ang pagkakasabi ko sa kanya kaya nakatikim na naman ako sa bakal niyang kamay.

Jusko, lagi na lang akong nabubugbog nito.

Ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin siya bumabangon. Kaya hinila ko na siya patayo at itinulak papunta sa walk in closet namin.

"Babe, tinatamad pa nga akooooo," reklamo niya habang itinutulak ko siya.

"Magbihis ka na para makatulog ka na nang maayos mamaya, ayoko ng may katabing mabaho sa kama," huling sabi ko bago ko siya itulak ng mas malakas para makapagbihis na siya. Huminto naman siya sa paglalakad papasok at humarap sa akin habang nakahawak sa sendura ng pinto.

"Sus, kahit naman mabaho ako, sinisimot mo pa rin yung amoy ko," may pagyayabang na sabi niya.

"Babe, oo mahal kita, pero kung alam mo lang, tinitiis ko lang talaga yung amoy mo," asar ko sa kanya na ikinahaba naman ng nguso niya.

"Che! Wag kang tatabi sa'kin sa kama mamaya!" asik niya sabay pabagsak na isinara ang pintuan.

"Huy! Wag mo ibagsak yung pinto! Natutulog na sila Nanay!" saway ko naman sa kanya. Hindi na ako nakarinig ng tugon kaya ibinaling ko na lang ang atensyon sa telepono ko. Nagbabasa lang ng iba't ibang post sa FB, hanggang sa makarating ako sa isang post patungkol kay Vice nitong nakaraang araw.

(Refer on the image above)

Hindi ko maiwasang mapaisip sa nabasa ko. Possible nga kaya?

Kung magkakaanak kami, sigurado akong lalabas na tabachingching yon. Tapos siguro magtatakaw din sa gatas yon. Baka nga maging maliit na Viceral pa nga yon. Pero sigurado rin naman ako na lalaki siyang maganda at mabait na bata. Sigurado akong pupunuin namin ng pagmamahal ang magiging anak namin.

Buhay Misis | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon