ION
NAGISING ako mula sa pagkakatulog n’ung pag-ikot ko sa kabilang side ng kama ay wala na akong nahawakan na bahagi ng asawa ko. Nakarinig rin ako ng dumuduwal sa may CR namin, sigurado akong asawa ko ‘yon. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga at agad na pinuntahan siya sa banyo. Naabutan ko siyang nakayuko sa may lababo at nakahawak sa gripo habang dumuduwal, kaya nagpahanda ako ng tubig kila Jackque galing sa baba. Habang naghihintay sa tubig, inalo ko muna siya at hinagod ang likod niya.
Ako ang nag-aalala at nahihirapan sa sitwasyon ng asawa ko, eh. Mahigit sa apat na linggo na siyang ganyan.
Sakto namang natapos sa pagduduwal ang asawa ko nang tumunog ang dumbwaiter, kaya kinuha ko na agad and tubig para makainom na rin siya. Patuloy lang ang paghagod ko sa likod niya hanggang sa matapos siya sa pag-inom.
“Okay ka na?” tanong ko sa kanya. Tumango lang siya habang nagpupunas ng bibig gamit ang likod ng palad niya. Inabot ko ang twalya na nakasabit malapit sa pinto ng shower at ako na ang nagpunas ng kamay niya.
“Sigurado ka ba? ‘Di kaya magsuka ka mamaya? Maiintindihan naman ni Raissa kung mamo-move yung ultrasound mo ngayon—”
“Babe, okay lang ako, kaya ko.” Pagpuputol niya sa sinasabi ko. Ito na naman siya, nagiging matigas na naman ang ulo. Tapos mamaya, magrereklamo na may masakit sa kanya. Hay nako.
“Sigurado ka ba talaga? Baka mamaya magreklamo ka kung kailan nasa daan na tayo?” nilingon niya ako.
“Eh aalagaan mo naman ako kahit matigas ulo ko, ‘di ba?” tanong niya pabalik sa’kin at ngumiti pa ng paglaki-laki. Ayun. Nagpa-cute na naman.
“Oo naman. Nako… pasalamat ka lang talaga at mahal kita.” Pahina nang pahina ang boses ko sa huli para ‘di na niya marinig yung sinasabi ko. Pero bigla akong nakaramdam ng kamay sa bandang likuran ng ulo ko at hinila ang buhok ko.
“ARAY! BABE!” Daing ko dahil sa may kalakasang magsabunot niya sa buhok ko. Kahit nangingiwi, sinubukan kong tanggalin yung kamay niya sa buhok ko, pero masyadong mahigpit yung pagkakahawak niya.
“So ang sinasabi mo ba, ‘di mo ko aalagaan kung ‘di mo ko mahal? Ganon ba?” Asik na tanong ni Vice sa’kin habang hawak pa rin ang buhok ko.
“Oo, eh hindi na kita mahal non eh. Bakit pa ako magkakaroon ng pake sa’yo kung ‘di na kita mahal?” Sagot ko sa tanong niya. Naramdaman ko na lang ang unti-unting magluwag ng hawak niya sa buhok ko hanggang sa bitawan na niya ito.
Tuluyan na siyang tumayo at pumunta sa tapat ng shower at hinubad ang roba na suot niya. Doon ko lang napansin na wala siyang suot na pang-itaas at pambaba, at tanging underwear lang ang tumatakip sa pribadong parte ng katawan niya. Baka pasukan ‘to ng lamig, napakapasaway naman. Tsk.
Umalis na lang muna ako sa banyo nang marinig ko ang lagaslas ng tubig galing sa shower para hayaan siyang maligo at para maisauli ko na ang baso sa baba. Pero bago pa ako tuluyang makababa, nakarinig ako ng mahinang hikbi, kaya agad akong bumalik sa loob at nakita ko ang asawa ko na nakatalikod sa akin habang naliligo, pero pasimpleng nagpupunas ng luha.
“Babe?” dahan-dahan siyang lumingon sa gawi ko, pero ‘di niya sinalubong ang mga tingin ko. Agad naman akong nag-alala nang makita kong bahagya nang mamumula yung mata niya, kaya agad kong inilapag yung baso sa lababo at naghubad lang ng T-shirt bago siya samahan sa loob.
“Babe?” tinawag ko siya ulit pero di na siya lumingon at tinignan lang ang pader na nasa harap niya. Bahagya na rin akong nababasa ng tubig na nanggagaling sa showerhead.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?