“So it is confirmed na hermaphrodite si Vice, her ovary and uterus are working well and she’s 8 weeks pregnant. Pero ipapaalala ko lang na we need to be extra careful of her. You see, maselan ang pagbubuntis ni Vice. Nakita rin sa check up niya na mahina pa yung kapit ng bata. Kailangang bantayan ng maigi yung kondisyon niya, of course ayaw naman nating may mangyaring masama sa kanilang dalawa. We are hoping for a safe pregnancy, Mr. and Mrs. Perez.”
VICE
It’s been two months, at simula noong nalaman naming mag-asawa na buntis ako, naisipan kong kuhanan ang paglaki ng baby bump ko every week. Nagpapakita na kasi siya. Parang gusto kong i-share sa magiging anak namin yung stages na napagdaanan ko habang dinadala ko siya.
At ngayon nga, nandito ako sa harap ng salamin dito sa banyo, kung saan kita ang kabuuan ng katawan ko. Halos kakatapos ko lang maligo kaya ‘di pa ako nakaayos at nakapang-bahay lang.
Kinuha ko ang telepono ko na nakapatong sa sink at agad na hinanap ang camera. Pumwesto na ako ng nakatayo at naka-side view, para malinaw na makita ang baby bump ko. Pagkatapos ay agad ko nang pinindot ang camera ko. Nakawalong pictures yata ako bago nagdecide na tumigil. Teka, naiihi na naman ako.
Bukod talaga sa mga ritwal ko sa umaga, isa ‘to sa mga dahilan kung bakit ako nagtatagal sa banyo eh.
Isa sa mga inaalala ko ngayong nagpapakita na ng slight yung baby bump ko is paano ko siya itatago from my audience? Most especially to my family and friends?
Natatakot akong hindi nila matanggap ang kondisyon ko ngayon at baka isipin nilang kung anong prank lang ‘tong ginagawa namin ni Ion. Alam ko namang mahal kami ng mga taong nasa paligid namin pero hindi ko maiwasang isipin kung paano nila matatanggap yung sitwasyon. Ayokong makatanggap ng judgement yung magiging anak namin. Ni hindi pa nga siya lumalabas sa mundong ‘to tapos ganito agad?
Pero kahit naman anong ingat namin sa pagtatago, alam kong darating pa rin yung panahon na malalaman nila. At saka mahirap itago itong buto ng pakwan sa tyan ko, lalo na kapag lumaki lalo ‘to. Buti na lang rin talaga at nandyan ang asawa o para kalamayin ang loob ko. Baka hindi ko kayanin ‘to kung ako lang mag-isa.
“Babe? Matagal ka pa dyan sa loob? Kailangan mo ng tulong?” speaking of. Bahagya niyang binuksan ang pintuan at ipinasok ang ulo niya para tignan ako.
“No, Babe. Palabas naman na ako. Aayusin ko lang ‘tong mga ginamit ko.” Sabi ko sa kanya na nilingon lang siya nang bahagya bago lumapit sa lababo para iligpit ang mga ginamit ko. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto habang nag-aayos. Di ko na isinuot ang tsinelas kong pambahay, hindi na nagkakasya sa’kin eh. Kailangan ko na namang bumili ng bago. Hay.
Paglabas ko ay nakita kong nakasandal ang asawa ko sa pader na katabi nitong pintuan papuntang banyo. Nakasando, nakashorts at may suot na headband—tipikal pambahay.
“Oh? Anong ginagawa mo dyan?” agad kong tanong nang makita ko ang ngiti niya na halos umabot na sa batok.
“’Di ba ngayon natin gagawin ‘yon’?” sabi niya pagkatapos ay itinaas-baba ang mga kilay niya. Ay oo nga, muntik ko na makalimutan.
“Ngayon nga pala ‘yun ‘no?” tanong ko sa kana, sinagot niya lang ako ng tango.
“Sigurado ka bang kaya mo? Baka mapagod kayo ni baby?” tanong niya habang hawak ang kamay ko at inaalalayan ako sa paglalakad papunta sa kama. Maka-alalay naman, akala mo ‘di ako marunong maglakad.
“Syempre ‘no! maning mani lang yan sa’kin. Baka ‘di mo naitatanong, expert ako dyan?” pagyayabang ko pa sa kanya. Tumayo siya sa harap ko habang nakapamaywang.
BINABASA MO ANG
Buhay Misis | ViceIon
Fanfiction"Someday you'll find the person who will define forever perfectly, and that moment you'll realize, the wait was worth enough." -Prabhu M. Niar How is Vice Ganda as a wife of Ion Perez?