Mrs Perez || 4

3.7K 82 69
                                    




VICE

Kinabukasan, dahil wala kaming magawa sa bahay at naka-stay-cation lang kami, naglambing ako sa kanya.

Naglalaro kami ng PlayStation non. Tapos may deal na kung sinong matatalo, susundin yung utos ng mananalo. Eh basketball pa ang nilaro namin, yung NBA2K19.

Hah! Nanalo lang naman ako. Basta basketball, mastery ko na yan. Kaya nag-isip muna ako ng pupuwedeng gawing challenge dahil sa talo siya. Tapos bigla kong napansin yung kuko ko.

Napansin ko kasi na parang nag-grown out na kasi yung kuko ko at yung nail polish ay tumaas na. Besides, I want a new color para sa kuko ko. Nagsawa na ako sa pink na cutics. I want a new color naman para maiba.

Nagulat ako nang walang pasabi siyang tumayo at iniwan ako sa sala. Aba'y bastos!

"Hoy, saan ka pupunta?" pasigaw kong tanong dahil nakalayo na siya. Di naman siya sumagot. Napakamot na lang ako ng batok ko. Anong nangyari dun?

Hinayaan ko na lang muna siya at nag-scan muna ako ng mga accounts ko sa social media. Nakikipagharutan na ako sa mga Little Ponies ko nang bigla siyang dumating.

May dala siyang isang maliit na upuan, yung parang upuan ng batang maliit tapos isang box na may handle sa kaliwang kamay niya. Ipinuwesto niya ang upuan sa paanan ako at yung box naman sa gilid niya, bale mas maliit siyang tignan ngayon.

Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita. Ano bang nakain nito?

"Huy," pagtawag ko sa kanya sabay sampal ng very light sa pisngi niya. Pero bago ko pa mailayo yung kamay ko pagkatapos ko siyang sampalin ay nakuha na niya ito at hinawakan. Itinaob niya ito at binitawan. Tapos binuksan niya yung dala-dala niyang box kanina. Naamoy ko agad yung parang medyo masakit sa ilong na chemicals kaya napatakip ako ng ilong ko. Ano yon?

Tapos nilabas niya yung isa sa maliliit na lagayan doon sa box. Nakakita ako ng mga panlinis sa kuko. Okay? Lilinisin niya ba yung kuko ko?

Nagsimula na siyang maglagay sa bulak ng acetone at dahan-dahan itong ipinunas sa kuko ko na nasa harap niya.

I was amazed. Kasi para sa isang lalaki, hindi naman common na marunong silang maglinis ng kuko. Ang galing lang kasi tama yung hawak niya dun sa nipper at yung paglalagay ng cuticle. Tapos gentle pa siya maglinis. Dami talagang tinatago ng lalaking 'to.

Pero mas nagulat ako nang simulan na niyang lagyan ng nail polish ang kuko ko. He didn't even ask kung ano ba yung kulay na ilalagay sa kuko ko.

"Uy? Bakit yan?" tanong ko dahil nilagyan niya ng kulay orens, este orange yung kuko ko.

"Ayaw mo ba?" tanong niya pabalik. Nakita ko na nalungkot siya at balak na niyang burahin ito gamit ang acetone.

"Uy, 'wag na. Nagtanong lang naman ako," pagpipigil ko sa kanya. Binitawan naman niya yung acetone. "Okay lang. Sige, tuloy mo na yung paglalagay."

"Hindi, ayaw mo yata eh," sabi pa niya sabay layo ng bahagya para hindi na niya malagyan ng nail polish yung kamay ko. Medyo nainis naman ako sa kaartehan niya. Dinaig pa ako.

"Benigno... Isa," pagbabanta ko sa kanya. "Wag mo nang antaying umabot ng tatlo yung bilang ko."

"Ay sorry. Eto na, eto na," Agad naman siyang umayos at tinuloy yung pagne-nail polish sa kamay ko. Madali naman palang kausap eh.










"'Lika Babe, swimming tayo," tumigil ako sa panonood at napalingon ako sa gawi kung nasaan yung hagdan. Nakita ko na naka-board shorts lang siya at walang pang-itaas.

Buhay Misis | ViceIonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon