Con. 16

219 20 3
                                    

CONTINUATION OF CHAPTER 16 (Miss, may putok ka)
___

YESHA POV:

"Pupuntahan ko muna si mom. Kaya hintayin mo ako dito.", bilin ni Cleo habang inaayos ang necktie.

After our conversation, ito ang ginawa niya.
So I'm just looking at him para sa gano'n matuto ako sa pag-aayos nito.

Kasi mismong tawas na ang tumutulong sa akin para makuha ang loob ng lalaki.
At darating ang araw na magiging asawa ko na siya.

Kaya hindi naman masamang mangarap diba?

"Ayoko ng titig mo, Yesha. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maghubad ako sa harapan mo.", he said.

Kaya napagawi ang mata ko sa ibabang parte ng katawan niya.

"Sinasabi ko na nga ba. Until now, pinapantasyahan mo pa rin ako.", he smirked.

"Wow? Coming from you?", taas-kilay na turan ko.

Narinig ko naman ang mahina niyang tawa dahilan para maasar ako.

"Kung aalis ka, umalis ka na.", bigkas ko rito at inatupag ko sa papeles ang aking atensyon.

"Oo na. Aalis na ako. But please, stay here. Ayokong mabalitaan na nakipag-usap ka sa iba.", he said.

"Ikaw na mismo ang nagsabi na wala tayong label, kaya kung sino man ang kakausapin ko, labas ka na do'n.", wika ko kaya lumapit siya sa pwesto ko.

"Are you fucking serious?", malutong na sambit niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?", palaban na saad ko.

"Hindi mo ako kilala, Yesha. So stop saying that. Sa akin ka lang dapat.", matigas na turan niya.

May gano'n, walang relasyon pero masyadong obsess?

Ganito na pala ang epekto ng kagandahan ko sa kanya.

Hindi ko na yata kailangan kunin ang loob ng binata dahil nasa akin na pala.

Pero sa palagay ko, mali pa rin ang lahat.
Maling-mali dahil hindi ito ang gusto ko.

Importante ako kay Cleo dahil maganda ako sa paningin niya.
Makinis ang mukha ko at maganda ang kutis ko.

At kapag bumalik sa pagiging panget ako, tiyak pandidirihan niya ulit ako.

But for now, hindi ko muna iisipin ang bagay na 'yan.

Kaya heto, ngumiti ako para pikunin din siya.

"Anong hindi kilala? Ikaw si Cleo at CEO ka dito. Oh diba, alam ko ang pangalan mo. And I don't care kung boss kita. Basta lalandi pa rin ako sa ayaw at sa gusto mo.", pahayag ko naman.

Sige lang, fight me!
Hindi kita uurungan.
Akala mo ha?!

"What the fuck, Yesha! Gusto mo bang lumunok ng pakwan at dadalhin mo ito ng siyam na buwan ha?!", paninigaw nito.

Hala, grabe siya!

"Hindi mo ako matatakot, Cleo. Kahit ano pang sabihin mo, hahanap pa rin ako ng lalaki. At eto ang tandaan mo, hindi na ikaw ang first priority ko!", pabalik na bulyaw ko para mas uminit ang ulo niya.

Pero sa halip na magalit, biglang umiba ang reaksyon ng mukha niya.

Teka, nasaktan ko ba siya?

"Cleo?", bigkas ko sa pangalan nito.

"T-tangina, ba't bigla kang bumaho Yesha?! Ang dugyot mo tingnan!", he shouted.

At dito lang ako natauhan nang makita ko ang sarili ko sa salamin.

Bumalik ako sa pagiging putukin.

©Binibining_Timoji

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon