CHAPTER 7 (Miss, May Putok Ka)
YESHA POV:
NAKAUWI na ako sa bahay matapos ang kaganapan kanina sa mansion nila Cleo.
Super stress ang kili-kili ko sa kanila.
Pero buti na lang, hindi nabawasan ang pagiging diyosa ko.By the way, hinatid nga pala ako ng binata para daw masiguro niyang safe ako.
See? Ganyan ka-concern si Cleo pagdating sa future wife niya.
"Nak, dumalaw nga pala dito kanina si Roberto. Dinalhan ka ng isang dosenang itlog.", saad ni mama sa akin habang inaalis ko ang medyas sa paa.
Napataas na lamang ako ng kilay dahil sa binalita niya.
"Nay, diba sabi ko sainyo 'wag na 'wag kayong tatanggap na kahit ano sa kanya. Baka isipin no'n, may pag-asa na maging kami. Like eww, hindi ko pinangarap na magkaroon ng asawa na halos 74 na ang edad.", pag-iinarte kong wika.
Binatukan naman ako ni mama sa pinakita kong kaartehan ngayon.
"Gaga! Buti nga may naghabol pa sayo.", saad nito sa akin.
"Mama naman, ang sakit niyo magsalita. Baka nakakalimutan mo, limang lalaki ang nagkakandarapa sa kagandahan ko. Bonus na lang do'n si Cleo na CEO. Naamoy lang ang kili-kili ko, nainlove agad. Walang kapagod-pagod.", proud na turan ko.
"Jusko naman Yesha! Ano bang pinagmamalaki mo? Yung limang manliligaw mo halos lahat senior citizen!", usal ulit ni nanay.
"Ewan ko sayo, ma. Palibhasa walang naghabol sayo nung panahon mo. Pa'no ba naman mas maitim pa daw ang kili-kili mo sa uling. Kung hindi mo siguro pinainom ng gayuma si papa, siguro matandang-dalaga ka.", bigkas ko sa muling pagkakataon.
"Aba-aba talagang hindi ka nagpatalo ha?!", sambit ni mama na halos ibato sa akin ang tsinelas niya.
"Pero salamat pa din mama. Kasi kung wala ka, siguro walang cute na Yesha sa mundo. And most of all, salamat sa pamana mong amoy sa kili-kili!", pagsisigaw ko bago pumasok sa kwarto.
BINABASA MO ANG
"Miss, May Putok Ka"
FantasyA funny and fantasy story of mine. Si Yesha Mae Redoma na tinatawag na 'Rexona girl', ay biglang gaganda dahil sa Magic Tawas. Yes, sa halip na Rexona ang makatulong sa kanya. Mismong tawas pa ang naging solusyon. (Well, sino nga ba siya?) Si Yesha...