CHAPTER 12

263 18 2
                                    

CHAPTER 12 (Miss, May Putok Ka)

YESHA POV:

Si Cleo, tuluyan na akong 'di pinansin.

Kahit nga utusan niya ako na magtimpla ng kape, hindi niya na pinapagawa sa akin.

Masyado niya akong pinandidirihan na para bang may nakakahawa akong sakit.

Para sabihin ko sa kanya, wala akong COVID.
Naging positive lang ako sa pagiging maganda pero hindi sa ganyang virus. TSEEH! EKIS NA RIN SIYA SA LANGIT!

Naglakad na ako pauwi sa aming bahay.
Hindi na ako sumakay ng jeep kasi kahit anong 'para' ang gawin ko, ayaw nila akong pasakayin.

So again, no choice. Hindi nila ako pinili.

"Aray!", sambit ko nang mabangga ko ang isang matanda.

Yeah. Isang Ale na halos pulubi na kung titingnan.

"P-pasensya na po. Lutang po sa buhay. Kaya hindi ko agad kayo nakita.", hinging paumanhin ko rito.

Tinulungan ko siya na makatayo dahil alam ko rin na kasalanan ko.

"Ayos lang Ineng. Mukhang malalim nga yata ang iniisip mo. Kanina nakita ko ang mga tao, pinagtatawanan ka pero hindi mo sila pinatulan.", saad ng matanda na tila naging stalker ko pa.

"Gano'n po talaga. Pagod na rin ako makipagbangayan sa kanila. Kahit naman anong tanggol ko sa sarili ko, wala pa rin nangyayari eh.", pahayag ko sa kanya.

"Kaya nga nagandahan ako sa ginawa mo. Dahil nagiging totoo ka sa iyong sarili, ayon nga lang, hindi mo pa masyadong maalagaan ang katawan mo.", wika ni Lola na para bang may kakaiba sa boses niya.

"Salamat po. Sige aalis na ho ako.", tanging sabi ko.

Kaso bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
At naramdaman ko na merong bagay na binigay siya sa akin.

"Gamitin mo 'yan Ineng. Makakatulong 'yan sayo. Kaya ingatan mong mabuti ha?", wika nito.

"P-para saan naman po 'to? Kung droga ito lola, pasensya na pero hindi ako tumitira niyan.", muli kong turan.

"Lintek. Ginawa mo pa akong pusher. Tinutulungan ka na nga, ang choosy mo pa.", bigkas ng matanda kaya napangiwi na lamang ako.

Si lola naman, hindi mabiro.

"Okay ho. Salamat dito kahit hindi ko alam kung para saan 'to.", tugon ko sa Ale.

"Ineng, mahiwagang tawas 'yan. Sabayan mo na rin ng dasal para tuluyan ng maalis ang putok mo. At gaganda ka pa ng bongga! Yung tunay na ganda mismo.", pagpapaliwanag niya.

Para akong na-hypnotize dahil biglang nawala sa harapan ko.
But still, hawak ko ang maliit na bote na binigay niya.
Tawas nga ito pero masyadong makintab ang datingan.

"Parang tanga naman si lola. Rexona nga, hindi makayang alisin ang amoy ko, tawas pa kaya? Iba talaga kapag may edad na.", iling na sambit ko.

Nang tuluyan akong makauwi sa bahay, agad kong tiningnan ang aking sarili sa salamin.

Makapal naman ang kilay ko. I have also a thin and pointed nose. Tapos yung labi ko, alagang liptint kaya maganda. At yung mata ko, nakakaakit naman. So ano bang problema?

I keep asking myself right now kung bakit karamihan sa mga tao pinagtatawanan ako?
Diba dapat purihin nila ako dahil meron akong perfect face?

Hays!

Kung sabagay, nandito nga pala ako sa Pilipinas. Kung saan, bawat kilos mo, may masasabi ang iba sayo.

"Inaantok na ako. Pero hindi ko pa din alam ang mali sa akin.", pagsasabi ko nang wala sa oras.

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon