CHAPTER 16

386 21 2
                                    

Chapter 16 (Miss, May Putok Ka)

YESHA POV:

Ilang minuto din ang tinagal namin sa ganitong posisyon ni Cleo. And until now, he's waiting for my answer.

Di ko tuloy alam kung paano ko siya tatanggihan in a nice way.
Naisip ko kasi na hindi pa ito ang tamang oras para gawin ang bagay na ganyan.
Masyado pa kasing maaga para sumabay sa putukan.

"Sir Cleo?", bigkas ng empleyado niya.

Ito ang naging hudyat para mawala yung init sa katawan namin.

I admit the fact that it makes me horny when he's trying to seduce me.

Buti na lang talaga pumasok sa opisina ang babae dahilan para mapaayos ng tayo ni Cleo.

"What?!", pagalit na tugon niya sa dalaga.

Grabe ha? Ang attitude niya masyado.

"Sorry for disturbing you Sir Cleo pero kanina pa kasi tumatawag ang mom mo. At gusto ka niyang makausap. Emergency daw.", namumutlang paliwanag nito.

Emergency? 
Ano kaya 'yon?

"Okay. Makakaalis ka na.", malamig na saad ng binata.

Kawawa tuloy yung babae.

"Bakit ba ganyan ka sa mga empleyado mo? Pwede ka naman magsalita na hindi nagsusungit ha?!", sambit ko rito.

I also stand-up to talk to him.

"Tumigil ka Yesha. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa puson ang mabitin.", pahayag niya na talagang binaling sa akin ang inis.

"Binitin? My gosh Cleo, ni kiss nga hindi mo nagawa tapos nabitin ka?", pagsasabi ko naman.

"Ang hirap sayo, masyado kang slow Rexona Girl.", wika niya at pinitik pa talaga ang noo ko.

"Excuse me, hindi na rexona ang ginagamit ko, tawas na! At tsaka, wala na akong putok. Mas fresh pa ako sa nanay mo na parang suka ang amoy.", pagtataray ko.

"Nanay natin, Yesha. Kasi ang nanay ko ay nanay mo na rin.", pagkokorekta niya.

Luh, pa-fall ang gago!

"Ewan ko sayo. Ang hilig mong bumanat pero takot ka naman sa totoong commitment.", usal ko at humakbang papunta sa kusina.

I need to drink cold water para kahit papano matuto din ako maging cold sa binata.
Kasi feeling ko, walang nagbago sa ugali ko.
Nagiging marupok at malandi ako pagdating kay Cleo.

"Ayoko talaga ng commitment, Yesha. Kasi yung commitment na 'yan, para lang sa mga teenagers. At sa lagay nating dalawa, hindi dapat commitment ang tawag.", seryoso niyang wika.

Awtomatikong napalingon ako sa gawi ng binata. 
And then our eyes met each other.

"So ano ba?", I asked him.

"It is called, 'walang label'.", agad na tugon niya.

Hayop 'yan, asang-asa pa naman ako na baka maganda ang isasagot niya pero ganito lang pala.

"Alam mo cleo, kung ang tagalog ng brain ay utak, bakit hindi mo ginagamit 'yon?", pikon na sabi ko.

"Utak mo yata may covid.", patuloy kong litanya.

Walang label pero yung harutan namin ang lakas ng level!

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon