CHAPTER 11

250 16 1
                                    

Chapter 11 (Miss, may putok ka)

YESHA POV:

HINDI ko alam kung bakit ako pinandidirihan ng lahat.
Kasi sa pagkakaalam ko, halos angat naman ako kaysa sa kanila.

Anyway, it's been three days since mangyari ang kissing scene namin ni Cleo.

At sa loob ng tatlong araw, nakasuot lagi ng mask ang binata.

Akala mo naman niya hahalikan ko siya?

Ang feelingero niya masyado para gawin ko 'yon.

As far as I know, siya ang unang humalik sa labi ko.

"Kay ganda ng umaga ko nang masilayan ko ang iyong mukha, Yesha.", saad ni Bercasio na talagang inabangan ako sa aking dadaanan.

Kung nakakalimutan niyo, manliligaw ko si Bercasio.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nandito siya sa tapat mismo ng paradahan.
Masyado kasi itong inlove sa

Tiningnan ko naman ang puting polo na suot niya na talagang kumikintab pa.

"Taray! Nakaready na para humiga sa kabaong ha?", pagbibirong wika ko rito.

"Yesha my loves, 'wag ka naman ganyan. Aanakan pa nga kitang bente-kwatro tapos gusto mo na agad akong mawala?", turan niya dahilan para manghina ang tuhod ko.

Hayop 'yan.
Ang lakas naman ng talong ni lolo.

"Bercasio, alam kong problemado ka sa buhay mo. Kaya panahon na para maging suki ka ng negosyo mong funeraria.", pagtatapik ko sa balikat niya bago siya iniwan.

Sumakay na ako ng jeep at saktong puno na ito.

When I reach the Company, kakaiba ang naramdaman ko.
Lahat ng tingin ay nasa akin.

"Oh? Kung gusto niyong gumanda, libre lang ang paghaplos para sa gano'n mahawaan naman kayo.", wika ko sa kanila.

Syempre dapat kabog na kabog ang datingan para palaban kung tingnan.

"Miss Yesha, hindi ba uso sayo ang paghilod? Look at yourself, labas ang pusod mo kaya halata tuloy na hindi ka marunong maglinis ng katawan mo. Yung itim ng pusod mo, kasing itim kili-kili mo.", litanya ng dalaga na talagang tinapakan ang buong pagkatao.

Ito ang naging hudyat para pagtawanan ako ng lahat.

"Bigla tuloy nahiya ang bilbil dyan sa leeg mo, ateng. Konti na lang, malapit ka ng i-lechon. Kaya hinay-hinay sa pagkain. Baka next time, ikaw naman ang katayin. Tseeh!", bigkas ko para hindi ako magmukhang kawawa.

Bakit ba kasi pati pusod ng iba, pinoproblema dito?!

Napagawi tuloy yung mata ko sa bandang ibaba ng aking tiyan. 
And yeah, maitim nga. Pero design kaya 'to.

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon