Con. 19

768 37 18
                                    

CONTINUATION OF CHAPTER 19 (Miss, May Putok Ka)

YESHA POV:

NAPATITIG na lamang ako kay Cleo dahil sa katagang narinig ko mula sa bibig niya.

I expect this to happen. Dahil alam ko naman ang dahilan kung bakit umiba ang trato nito sa akin.
Pero hindi ko ma-imagine na ganito pala ang impact kapag sa kanya na mismo nanggaling.

"Oh? What kind of reaction is that?", tanong ni Cleo nang mahalata niya ako.

"Wala.", tipid na sagot ko.

Pero teka nga lang, kanina pa ako nagtataka.

Kasi diba, nagtransform ako sa pagiging panget nung aalis na sana siya. At sinabihan niya pa akong dugyot.

But why did he act like this?
Parang hindi niya maalala yung nangyari kanina sa akin.
He don't asked me kung bakit naging gano'n ako.
Nagka-amnesia ba siya?

"Yesha, sumisinghot ka ba ng drugs?", bigkas nito muli.

"Huh?", lutang na sambit ko.

"Sabi na nga ba. Dapat ka ng ipa-tokhang.", he said again.

"Sorry, may iniisip lang ako. Regarding sa modeling na pinasukan ko.", pagpapalusot ko kahit na ang totoo naninibago ako.

Kailangan ko yatang makausap yung matanda para malinawan ang isip ko sa naganap ngayon.

"Tsk. Pipirman ka tapos hindi mo pala alam.", mahinang usal nito.

"Oo na. Bobo na nga diba? Tanggap ko na 'yon. Kaya pwede ba, huwag mo ng ulitin pa. Nakakasakit ka na.", turan ko sa binata.

Bakit ba kasi kailangan niya pang ipamukha sa akin na gano'n ako?

"Pero sige, bahala na. Kung ano man ang magiging trabaho ko, bukal kong tatanggapin ito. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko ginusto na mapunta ako sa ganyang sitwasyon. Next time talaga, hindi na ako tutulong sayo.", malungkot na pahayag ko.

Kinuha ko na ang bag sa mesa at uuwi na ako sa bahay namin.

I already did my best just for us to be okay.
Binaba ko na rin ang pride ko para magkaayos kami. Pero wala eh. Talagang hindi na yata magbabago ang pagtingin ni Cleo sa akin.

At sa pag-alis ko, hinihiling ko na habulin niya ako.
Hinihiling ko na sana suyuin niya ako at humingi ng pasensya.
But he never did that.

Sana all kasi sinusuyo kapag nagtatampo noh? At binibilhan ng burger, fries at milktea.

Kasi ni minsan, hindi ko naranasan 'yan.

Dahil bukod sa nagtampo na ako, nagutom pa ako.

Kaya heto, Yesha niyo, sad girl na.

©Binibining_Timoji

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon