CHAPTER 13 (Miss, May Putok Ka)
YESHA POV:
Until now, Cleo was really shocked about my transformation.
Kung sabagay, kahit sino naman hindi agad makakamove-on kapag ganito ang nangyari sa isang babae na dugyot noon.
"Titigan portion ba ang tawag dito sa atin, Sir?", tanong ko na may kasamang pagbibiro.
Doon lang siya natauhan at napalunok ng laway.
"I'm sorry. I just can't imagine that you will look like a celebrity.", sagot nito at pasimple akong tiningnan ulit.
"Well, ganyan talaga kapag sinasaktan, gumaganda.", mahinang turan ko.
Nilagay ko na ang aking bag sa mesa at lumapit sa binata.
"So do you want a coffee, Sir? Kape na mismong ako ang gagawa?", I asked him again while biting my lower lip.
Mapang-akit ang bawat kilos at galaw ko para mas makuha ko ang atensyon ni Cleo.
Nasilayan ko tuloy na medyo pinapawisan siya habang nilalapit ko ang aking bibig sa bibig niya.
"Masamang magpigil, Sir. Baka sumakit ang puson mo. Sige ka.", bulong ko rito.
"Shit Yesha. Huwag mo akong hamunin. Just go and prepare me some coffee.", wika niya na tila gusto akong lumayo.
"Okay. Hindi naman kita pipilitin. Besides, ang daming lalaki dyan. Kaya hindi ka naman kawalan.", kibit-balikat na tugon ko.
Akma na sana akong lalayo pero bigla niyang hinapit ang bewang ko.
"And who the hell give you a permission to look for another guy?", wika nito at nagsalubong ang kilay.
"Ako. Sino pa ba?", muli kong sagot.
"Yesha, may kasunduan tayong dalawa. So wether you like it or not, ASAWA KITA.", madiin na bigkas niya sa huling salita.
Shet, paano ko ba itatago yung kilig?
Halos nababasa na panty ko dahil sa pagpatak ng aking ihi."Excuse me? Hindi kita asawa. Pumayag lang ako dahil malaki ang sweldo na ibibigay mo. Pero 'wag mong idahilan 'yan para maka-chansing ka sa akin. So please, alisin mo ang kamay mo sa bewang ko. I can't breathe.", pagtataray ko kunwari.
Masyado na kasing malapit ang mukha namin sa isat-isa.
At kailangan din natin maging hard-to-get kasi maganda na ako mga siss."Okay. But don't forget our deal. Habang hindi pa 'yon tapos, it means, AKIN KA.", pagpapaalala niya.
Nakawala na ako at nakahinga ng maluwag.
Pero teka, ang weird niya.
Hindi naman siya ganito.
Ni hindi niya nga ako mahawakan dati."I'm not yours, Cleo. Hindi mo ako pag-aari. At yung usapan natin, doon lang sa bahay niyo, hindi dito sa kompanya mo.", I said just to make sure na klarado ito sa lalaki.
"Ano bang nangyayari sayo, Yesha? Nawala lang ang putok mo, nag-iinarte ka na? Ayaw mo na ba sa mestisong macho na katulad ko?", pahayag nito.
Dahan-dahan niyang inalis ang butones ng polo para lang akitin ako. Pero dahil hindi ako marupok, malamig ko siyang tinitigan.
"I'm not the Yesha you know. I changed, for the better. Pero kung gusto mo ako, edi tayo na agad. Totohanin mo na. Tagal mo naman kasi.", sambit ko kay Cleo.
Sorry, malandi lang.
BINABASA MO ANG
"Miss, May Putok Ka"
FantasyA funny and fantasy story of mine. Si Yesha Mae Redoma na tinatawag na 'Rexona girl', ay biglang gaganda dahil sa Magic Tawas. Yes, sa halip na Rexona ang makatulong sa kanya. Mismong tawas pa ang naging solusyon. (Well, sino nga ba siya?) Si Yesha...