CON. 7

282 19 1
                                    

Continuation of CHAPTER 7 (Miss, may putok ka)

YESHA POV:

Matutulog na sana ako para mag-beauty rest na. Kaso nga lang, hindi ko maiwasan imaginin ang mukha ni jumbo hotdog ng buhay ko.

He's actually perfect! Bagay na bagay talaga kami.

I can't control myself but to smile right now.

Akalain niyo, in just one day of being secretary, nabingwit ko agad ang CEO.

"Woahh! Ang lakas mo talaga Yesha! Kasing lakas ng putok mo ang karisma mo!", kausap ko sa sarili.

Pinikit ko na ang aking mata na may ngiti sa labi.

And tomorrow is another day syempre.
Another day of being beautiful inside and out!

Walang araw yata na hindi ko naranasan ang maging panget.
Iba talaga magmahal si Lord.

NAPABANGON naman ako sa higaan nang tumunog ang alarm clock sa gilid.

Ito kasi ang senyales na oras na para maligo ako.

"Gandang-buhay mother!", bati ko kay nanay.

Kahit medyo enemy ko siya pagdating sa mga bagay-bagay, mahal ko pa din 'yan.

Of course sa kanya ko lang kasi malalasap ang tunay na pagmamahal ng isang magulang.

"Taray, nagising ka pa pala.", bigkas nito habang nagluluto ng almusal.

Ang sweet niya masyado diba?
Sa sobrang sweet parang gusto na ako patayin. Nadimunyo!

"Hay naku mama. I don't have time to argue with you today. Masyado akong nagmamadali.", turan sa maarteng boses.

Hindi ko na narinig pa ang sinabi nito dahil tuluyan na akong pumasok sa banyo.

And after one hour, lumabas na ako para mag-ayos.

"Oh? Aalis ka na?", she asked.

"Ay hindi ma, matutulog yata.", pamimilosopo ko.

"Gaga ka talaga! Kinakausap ng maayos. Halatang may saltik ka.", bigkas nito nang ipalo sa akin ang sandok.

"Ma, okay lang na may saltik. Kaysa naman sayo ang panget mo, tseeh!", pagtataray ko rito.

Ganito lang kami ni mother earth mag-usap, but we love each other.

Hindi na ako nag-almusal because it's already 8:35 in the morning.

Kaya naglakad na ako patungo sa paradahan.
Pero hindi pa man ako nakakarating do'n, biglang humarang si Roberto.
Ang manliligaw ko na halos kulubot na ang katawan.

"Yesha Darling, kailan mo ba ako sasagutin?", tanong nito sa akin.

"Kapag hindi ka na humihinga para masaya.", turan ko sa senior citizen na 'to.

"Grabe ka sa akin, Yesha. Hindi mo ba alam, maraming babae ang umiiyak dahil hindi ko sila pinatulan.",

"At isa rin ako sa iiyak kapag pinatulan kita.", pagduduro ko sa matanda.

Kahit pilay na 'to, todo habol pa rin sa akin, poteks!

"So please lang, tigilan mo na ako. Kumbaga sa manok, texas ako na malambot. Samantalang ikaw, makunat na.", patuloy kong sabi.

Minsan talaga ayoko na maging maganda.
Baka next time, pati patay mabuhay nang dahil lang sa akin.

#HIRAP_MAGING_DIYOSA

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon