CHAPTER 5

314 22 1
                                    

CHAPTER 5 (Miss, May Putok Ka)

Yesha POV:

"I will introduce you to my parents. Sasabihin kong nabuntis kita.", pagkaklaro nito.

Awtomatikong napatayo ako sa sobrang pagkabigla.

"Naka-shabu ka ba? Ano bang trip mo sa buhay ha? Sa tingin mo ba, papayag ako?", I raised my left eyebrow.

"Hey Yesha. Hindi ko gusto si Clarrisse. And most of all, I don't want to marry her.", paliwanag niya sa akin.

Yes, kinwento ni Sir ang tungkol sa arrange marriage nilang dalawa.

Ayoko namang pumayag eh.
Dahil ang gusto ko, totohanin niya.

Buntisin niya na ako. Enebe!

"Dodoblehin ko ang sweldo mo, Miss Rexona. Basta pumayag ka lang. At kapag nilayuan na ako ni Clarrisse, then the deal is off. Tapos na yung pagpapanggap.", wika ni Cleo.

Napangiwi naman ang labi ko.

May expiration pala ang lahat ng 'to.

"Ayoko.", pagtatanggi ko.

Ayoko ng panandalian noh.
Gusto ko, pangmatagalan.

Kagaya ng putok ko, tumagal sa akin.

"100 thousands a month. Aayaw ka pa ba?", pagtatanong nito.

"Hindi kayang bilhin ng pera ang dignidad ng isang tao, Sir.", seryoso kong sabi.

"Then what do you want?", he asked me again.

Hindi ako sumagot, bagkus tumalikod ako sa kanya.

Hanggang sa bigla siyang nagsuggest.

"If you will agree with me. You will be able to kiss me anytime and anywhere.", he said.

Mabilis akong napaharap sa binata.

"Kailan ba ang start niyan? Pwede bang ngayon na? Grabe naman. Sino bang tatanggi sa 100 thousands na 'yan? Pakiss nga ako.", bigkas ko at agad na hinalikan ang pisngi niya.

"Ohh shet! Sarap. Malinamnam! Isa pa nga!", muli kong sambit.

I was about to kiss him again, pero bigla siyang umiwas.

"Tangina, nakabili ka ng rexona, pero nakalimutan mo namang manipilyo.", malutong na mura nito.

Oo nga noh.
Why naman ganyan ka, Yesha?
Halik na lang, naging bato pa.

Pero ayos lang dahil anumang oras pwede kong halikan ang binata.

Pumayag na kasi ako kay Cleo.
Magpapanggap kaming dalawa na magkarelasyon.

Kaya heto, sumabay na ako sa kanyang kotse.

Ngayon mismo, makikilala ko na ang parents niya.

Oh diba, ang bilis?

Chill lang kayo, ako lang 'to, si Yesha na hindi lang maganda, kundi sobrang ganda lang.

"OH SON, buti naman dumating ka na. Alam mo ba, nandito si Clarrisse. She's waiting for you.", bigkas ng mommy ni Cleo.

Napatingin sa aking gawi ang mata nito kaya ngumiti naman ako.

"Hi mother-in-law, ako nga pala yung future daughter-in-law niyo, at magiging future lola na kayo.", ngiting pahayag ko.

"What are you saying?", tanong nito na tila hindi ako naintindihan.

"Hijo, saang lupalop mo ba nabingwit ang shokoy na 'to?", usal nito sa anak.

Grabe siya ha?!

Ang sama ng ugali!

May 100 points ka na kay Satanas!

"She will be my wife, mom. Buntis siya. Nabuntis ko siya.", wika ni Cleo sa magulang niya.

"What the hell?! Ano bang kalokohan ang pinasok mo ha? Makakasira ng image mo 'yang ginawa mo! At talagang pumatol ka sa isang--"

Bago pa man niya maituloy ang sasabihin, bigla ko siyang tinutukan ng pamaypay.

"Subukan mong magsabi ng panget, hindi ako magdadalawang-isip na ipatumba ka.", saad ko sabay dilat ko ng mata.

"Edi maganda, hayop!", pagmumura nito.

"That's good! Mabait ka naman pala, mother-in-law.", ngiti kong turan.

Ang dali niya palang kausap.

Bet ko na agad siya!

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon