CHAPTER 1

1.6K 41 7
                                    

CHAPTER 1 of "MISS, MAY PUTOK KA"

"Oh, isa na lang! Isa na lang! At lalarga na ang jeep!" Sigaw ng kundoktor sa paradahan ng sasakyan.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad akong tumakbo patungo doon.
Nagmamadali kasi ako dahil ngayon mismo ang interview ko sa trabaho.

"Andito na me! Para sa akin na 'yan na upuan!" Excited na sigaw ko sabay pasok ko sa loob ng jeep.
Kaso yung kundoktor bigla niyang tinakpan ang kanyang ilong nang dumaan ako.

Ampotah, naamoy niya yata sarili niya!

Inirapan ko na lang ang kundoktor at umupo na ako.
And guess what, may katabi akong gwapo!

Yes! Ultra-mega pogi siya!
Para siyang si Jungkook, my love!

Kaya ang ginawa ko, kinagat ko ang aking labi para akitin siya.

"Tsk. Parang aso na kulang sa bakuna."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya kasi hindi ko ito gaanong narinig. Umandar na kasi ang jeep kaya minabuti kong itaas ang isa kong kamay sa kabitan para makalanghap ng hangin ang kili-kili ko.

Pero potangina, hindi pa nga nag-ilang minuto, nagtinginan sa akin ang mga tao.

"Oh tingin-tingin niyo dyan? Gusto niyo?", mataray na tanong ko sa kanila.

Siguro naiinggit sila nang ilabas ko ang pamaypay ko.

"Luh! Asa kayo!", muli kong turan kahit walang sumagot.

So I don't have choice kundi ang lumingon kay pogi.
Siya ang stress reliver ko sa mga tao dito sa jeep.
Masyadong matalim ang tingin nila sa akin kaya nag-iinit ang ulo ko.

Kaya heto, bahagya akong ngumiti sa harapan niya para magpacute.

But for the second time, muli siyang nagsalita.
At malinaw sa akin ngayon ang sinabi niya.

"Miss, pakibaba ng kili-kili mo, lakas ng putok mo. Kabog na kabog ang liptint pero pisong tawas hindi ka makabili.",

Tangina! Ako? May putok?!

Inamoy ko naman ang kili-kili ko, but I don't smell something putok.

"Mabango naman ako ha! Afficionado kaya ang gamit kong perfume.", bigkas ko dito.

My ghad! It makes my kalamnan very high!

Crush ko na sana siya, kaso judger ang potah.

Kung jungkook siya kanina sa paningin ko, pwes binabawi ko na!
Dahil mukha na siyang tuko na may pigsa!

"Hays. Kung hindi lang sana nasira ang kotse ko, hindi ako sasakay sa punyetang jeep na 'to. Nakakawalang gana, lalo na kung katabi mo amoy patay na daga.", pagpaparinig nito sa akin.

"Wala nga akong putok! Bakit ba ang kulit mo ha? Gusto mo itapat ko pa 'to sa ilong mo?!", balik na tugon ko.

"No thanks. Baka hindi na ako umabot sa pupuntahan ko. And please, kung magsusuot ka ng sando, sana naman walang bulbol 'yang kili-kili mo.", turan niya ulit.

I was about to shout again, pero bigla siyang pumara.

"Dito mo na lang ako ibaba, driver. Hindi ko na kaya ang amoy ng katabi ko.", pagwiwika nito.

And you know what happen next? Pati yung ibang pasahero sa jeep, nagsibabaan na rin.

Gaguuu!

Mag-isa na tuloy ako sa jeep, kaya ako na mismo ang pinababa ng driver.

Attitude masyado!
Mukha namang kuto.

So here I am, naglakad ako papunta sa kompanya.
Hayop 'yan! Nasira ang ganda ko!

Dumating ako sa kompanya na halos pawis na pawis pero hot pa din.

Syempre, alangan naman sabihin ko na dugyot ako.
Edi parang dinown ko na sarili ko no'n.

"Ate, saan po ba ang office ng CEO dito?", tanong ko sa dalaga.

Ang laki kasi ng kompanya kaya nahihilo ako at hindi naman ako pamilyar dito.

"Ha? Tanong mo sa pagong.", sagot niya sa akin.

Gaga! Mukha ba akong nakikipagbiruan?

Buti na lang may kabaitan pa akong natitira sa katawan ko, dahil kung hindi, siguro inalis ko na yung utong niya.

Nagtatanong ng maayos, tapos isasagot sa akin ganon?

Well, hindi na ako magtataka, itsura niya kasi pagong.

#WAG_AKO_BEH

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon