Con. 11

241 16 0
                                    

Continuation of Chapter 11 (Miss, may putok ka)

YESHA POV:

"Goodmorning Jumbog Hotdog ko!", masayang pagbati ko kay Cleo.

Always ganado ang boses ko sa tuwing pumapasok ako ng opisina niya.

And I don't care anymore kung pag-chismisan lagi ako dito sa Kompanya.

Like hello? Hindi nababagay sa tulad ko ang ma-stress, nakakabawas ng ganda.

"Rexona girl, I just want to remind you that you are working in my Company, so please wear some nice clothes. Piliin mo yung maayos. Hindi katulad niyan, nagmukha kang tambay na aso.", direktang wika nito.

Itong si Sir, masyadong mapanakit ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Pero ayos lang dahil type ko pa din siya. 
And speaking off about type, may dala pala akong sinigang para ibigay ito sa binata.

"Kahit na sinasaktan mo ako emotionally, hindi pa rin kita makalimutan.", pagdadrama ko.

"You see it? I cooked it for you.", saad ko muli sabay lapag ng baunan sa mesa niya.

He just stare me na tila ayaw pang tanggapin ang inalok kong pagkain.

"Wala 'yan na lason. At wala rin 'yan na gayuma.", litanya ko agad para hindi siya magduda.

Anong akala niya sa akin, mangkukulam?

"Then good. Gusto ko lang makasiguro. Anyway, I will taste it now.", pagtuturan niya.

Mabilis niyang binuksan ang tupperware at kinuha ang kutsara.

Tiningnan ko ang magiging reaksyon niya nung tinikman niya ito.

Nasilayan ko dito yung pangangasim ng mukha ni Cleo.

"Infairness, it taste good. Ano bang sekreto mo?", he asked.

So I look at him straight on his eyes para sa gano'n ma-feel niya ng husto ang sasabihin ko.

"Well, everytime na magluluto ako, puno 'yan ng pagmamahal. Kaya ayon, nagiging masarap ang kinalabasan.", proud na sabi ko.

Patuloy pa rin siya sa paghigop ng sabaw habang nagsasalita pa ako.

"At meron pa pala, pursigido ko 'yan na niluluto. Kahit nga tumutulo na yung pawis ko sa sinigang na 'yan, GO pa rin ako ng GO.", I said as I continue.

Halos na-ibuga naman ng lalaki ang sabaw sa bibig niya dahilan para maubo siya ng husto.

"T-tangina Rexona, lahat na yata ng karumihan sa katawan, nasalo mo! Kailan ka ba magiging malinis ha?!", pasigaw na sambit nito.

Ngayon lang umiba ang itsura niya na tila punong-puno na sa akin.

"Yesha, maganda kang babae. Pabaya ka lang talaga sa sarili mo.", muli niyang pahayag.

Napakagat-labi tuloy ako dahil pinaramdam ni Cleo kung gaano ako karuming tao.

PERO DIYOSA.

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon