CHAPTER 2

503 22 1
                                    

Chapter 2 (Miss, May Putok Ka)

Yesha POV:

Sariling-sikap ko na lang tuloy na hinanap ang office ng CEO hanggang sa napunta ako sa pinaka-last floor.

Taray! Sa sobrang sipag ko, hindi ako sumakay ng elevator.
Ang papanget kasi ng mga tao at ayokong mahawa sa kanila.

Pagkarating ko do'n, maraming pila.
Kaya pumila na din ako.

Pero ayos lang, malakas ang kutob ko na ako ang mapipili.

Sa ganda kong 'to? Baka nga isang kindat ko lang, pasok na ako.

Shet! 
How to be me?

Halos limang oras akong naghintay na matawag ang pangalan ko.

Kaya nung binanggit na ang name ko, agad akong pumasok sa loob.

Hindi ko makita kung sino ang CEO dahil natatakpan ito ng dyaryo na tila binabasa.

"Megendeng emege ser, eke pe se YESHA MAE REDOMA.", pagpapakilala ko.

Kaso laking-gulat ko nang bumungad sa akin ang mukha niya.

Hayop! Totoo ba 'to?

Yung poging nasa jeep ay ang CEO ng kompanya?!

"Ohh? You're applying?", pag-eenglish nito sa akin.

"Hindi po siguro. Baka maglilinis ako.", sakrastikong sagot ko.

Gwapo sana, bobo naman.

#TURN_OFF

"Cut-off na kami.", mabilis na bigkas niya.

"Eto naman hindi mabiro. Sabi ko nga mag-aapply ako. By the way, I'm single.", saad ko mismo.

Malay niyo diba? Nahihiya lang siya na itanong ito kaya inunahan ko na.

"I'm not asking. At wala akong balak na itanong 'yan dahil halata naman na wala kang boyfriend. Sa amoy mo palang, sino bang magkakagusto sayo?", he said.

Tangina! Sakit sa pepe ang sinabi niya ha?!

"Same to you, Sir. Wala namang magkakagusto sayo."

#SAME_VIBES

Bumuntong-hininga naman ang binata sabay kuha niya ng mask para isuot ito.

Napaka-sensitive naman ng ilong niya.

Siya nga, may muta sa mata, hindi ko pinagkalat.

Tsk!

"So why do you want to apply here?", he asked me para simulan ang interview.

"Because you're hiring.",

Naks! Ang ganda ng sagot ko, pang-pageant.

"I'm serious, Yesha Mae Rexona.", pagbibigkas nito para sawayin ako.

Tumaas naman ang kilay ko dahil sa apelyidong sinabi niya.

"Anong Rexona? It's Redoma.", pagkokorekta ko.

"Okay, sorry. Sa sobrang lakas kasi ng putok mo, pati bibig ko naapektuhan.", turan ng binata.

Gago, sinisi pa talaga ang kili-kili ko.

"So let start. And I want you to answer it correctly.", pag-uumpisa niya muli.

"Wow naman! Graded recitation ba 'to, Sir?", tanong ko pero matalim niya akong tinitigan.

"Joke lang. Sige na, magtanong ka na po.", pagbabawi ko.

Bago pa man siya magsalita, napatingin ulit ang lalaki sa kili-kili ko na ngayon ay dinadapuan na ng langaw.

Tangina, sa sobrang sarap ko, pati langaw, gusto ako tikman.

"Kadiri.", sambit niya at tsaka kinuha ang papel sa table.

"Okay, I just have three questions for you. So be true to yourself. Got it?",

"I got it!", kindat na sagot.

"But before that, bakit ka may siopao sa dibdib mo?", tanong niya sabay turo sa dibdib ko.

Hayop, nakaipit na nga sa loob, nakita pa yung supot ng siopao.

"Baon ko po 'yan, Sir.", I replied.

Pero ang totoo, ginawa ko 'yan para lumaki dede ko.
Because I believe in the saying na, "Kapag malaki ang hinaharap, may future agad."

Kasi akala ko, matanda na ang CEO dito, binata pala. 
Nahihirapan tuloy ako landiin ang lalaki.

©Binibining_Timoji

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon