Con. 17

258 20 3
                                    

CONTINUATION 17 of Miss, May Putok Ka

Yesha POV:

BALIK opisina ako ni Cleo ngayon.

Wala na akong pagtataguan pa dito sa Kompanya.
Kaya dito na ako tumungo para kunin ang magic tawas sa aking bag.

But when I opened the door, wala na ang binata sa loob ng office.
Siguro, umalis na ito at hindi na ako hinintay pa.

"Thank you Lord!", sambit ng utak ko.

God is really good.
Sa kabila ng pagiging maharot ko, tinulungan niya pa rin ako na huwag mabuko ng binata.

Agad ko namang kinuha sa bag ang tawas at hindi ko na ito pinatagal pa.
Inapply ko ito sa kili-kili para bumalik na sa pagiging maganda ang katawan at mukha ko.

Siguro naman iisipin ni Cleo na isang imahinasyon ang nangyari kanina.

Tama! Sasabihin ko na lang sa kanya na guni-guni niya lang 'yon.

Iba talaga ang mindset ko! Very bet ko lagi!

Kaya nakangiti ulit akong pinagmasdan ang sarili habang nagtatransform ito sa postura ko kanina.

Sana, habang-buhay na akong ganito.
Para masaya lagi at maiwasan ko ang mga toxic na tao.

Ba't ba kasi ang big deal dito sa Pinas ang pagkakaroon ng maitim na kili-kili?

Well, kahit hindi ko na pala sagutin ang tanong na 'yan, alam ko na ang sagot.

Because judgemental people are all here.
Kahit maliit na bagay 'yan, pinapalaki nila para magkaroon ng issue.

Na-stress tuloy ang kepyas ko sa kanila.

Kaya heto, bago pa dumating si Cleo inayos ko na ang mesa niya.
Masyado kasing makalat na daig pa ang isang kinder na walang pakialam sa paligid.

Kung makapagsabi siya sa akin noon na matutong maglinis sa katawan, nahiya tuloy ako sa maduming office niya.

ALMOST two hours akong naghintay at nagmuni-muni sa loob habang hinihintay ko ang binata.

Kahit gustuhin ko man na makipag-usap sa ibang lalaki hindi ko magawa kasi limitado na ang tawas ko.

At kapag naubos ito, tiyak lugi ako.

"Ms. Yesha?", tawag ng isang babae sa pangalan ko.

"Yes? What do you need?", tanong ko sa kanya.

Ang taray gorl, pinag-isipan ko 'yon ng isang taon.

Mahirap kayang bumuo ng sentence in english word, so please keep me.

"May biglaan na meeting si Sir Cleo ngayong hapon. And since he's not around, ikaw na lang siguro ang dapat na pumunta sa meeting na 'yon para kumausap sa business partner niya.", paliwanag ng dalaga.

"Meeting? Ako?", tanong ko na halos maglaway sa sinabi niya.

"Opo. Ikaw nga.",

"Teka, bakit ako?", I asked again.

"Ms. Yesha, you are the secretary of Sir Cleo. At obligasyon mong pumunta sa meeting niya kapag hindi siya available.", she said.

"Pero w-wala akong alam sa business eh.", pag-aamin ko.

Baka mamaya masisi pa ako diba?
One plus one nga, sagot ko dati eleven kasi walang equal.

"Don't worry Ms. Yesha because as far as I remember, they are looking for a model. So malay natin, baka matipuhan ka nila.",  wika niya muli.

HALA? Ibig sabihin, magto-two piece ako?

Omg! Mukhang need ko na yata ang chani para alisin ang buhok sa aking kagubatan.

©Binibining_Timoji

HAPPY NEW YEAR!

This chapter is dedicated to all of you, especially kila

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon