Chapter 18

236 16 0
                                    

CHAPTER 18 (Miss, May Putok Ka)

YESHA POV:

Jusko mga Inday!!!

Mapapasabak ako sa isang trabaho na hindi ko naman talaga kaya.

Pero wala na yata itong urungan pa dahil nandito na ako sa tapat mismo ng opisina.

Yes, ako ang haharap at kakausap sa dapat na ka-meeting ni Sir Cleo ngayon.
Pero dahil nando'n siya sa bahay, obligasyon kong isagip ito habang busy siya sa ibang bagay.

Sabi kasi nung babae kanina, mahalaga daw na matuloy ang partnership sa pagitan ng dalawa. Kaya kailangan kong pagbutihin ang isasagot ko sa bawat tanong na bibitiwan ng lalaki.

Sa madaling salita, hindi ko dapat biguin si Cleo.

Kinalma ko muna ang aking sarili at piniling alisin ang kaba bago ako kumatok sa pinto.
It is a sign of respect to the people inside the room.

"Come in.", rinig kong saad nito.

Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa mata ko ang lalaki na medyo may edad na pero gwapo ang datingan.

"Who are you?", tanong niya sa akin.

"Hi Sir, good morning. I'm Yesha Mae Redoma, proud secretary of Sir Cleo.", turan ko sa magalang na salita.

Bawal akong lumandi noh?
Baka mag-collapse ako dito at sumabog ang putok sa kili-kili ko.

"Ohh. Good to hear. But where's Cleo?", tanong niya ulit.

"Kaya nga po ako nandito kasi wala siya. Sa tingin mo ba, pupunta ako dito kung siya mismo ang kaharap mo?", bigkas ko naman na may pamimilosopo sa boses.

"What kind of answer is that? Hindi ko yata gusto ang lumalabas sa bibig mo.", turan niya at sinuri ang katawan ko mula ibaba hanggang itaas.

"Pero pasalamat ka, maganda at sexy ka.", he continue.

"Edi salamat master.", I replied while smiling.

Ganito pala kapag maganda.
Kahit wala kang respeto, ayos lang sa kanila kasi nga maganda ka.
Mabilis ka nilang tanggapin kahit na meron kang masamang ugali.

Ang unfair talaga ng mga tao.
Nakadepende ang paghanga nila sa panlabas na itsura at hindi sa kalooban.

"By the way, you can take your sit para masimulan na natin yung pag-uusap regarding sa magiging model ng kompanya namin ni Cleo.", mahinahon na saad niya.

Hindi ko alam ang i-rereact ko sa matanda kundi ang pagtango na lamang.

"We need a model to represent our company. Once kasi na may isang babae ang nakapaskil sa labas ng kompanya or kahit saang magazine and news paper, mas magiging sikat ang produkto namin ng boss mo.", pahayag niya bilang paliwanag.

Ano ba 'yan, nakakaboring siya magsalita.
Dinaig niya pa yung lasing sa kanto.
Tapos yung tingin niya, halos nasa dibdib ko na.

"Ahm excuse me? Pwede bang pakituloy na lang yung sasabihin mo? Kasi ayoko ng pasikot-sikot.", wika ko naman para maalis ang atensyon niya sa dede ko.

Takte, tubuan sana siya ng suso sa mata.
Tingnan ko lang kung hindi pa ito makuntento.

"Ohh I'm sorry, nakakawili kasing panoorin ang kagandahan ng mundo. Pero sige, let's go back to our topic. But may I know first, if you have experience in modeling?", usisa nitong bigkas.

"Of course I have. I have so many talent, Sir. Actually, I can do dancing, singing, acting and modeling.", confident na sagot ko.

Mayabang ako eh. Kaya pagbigyan niyo na.

"Wow! That's nice! Ang talented mo palang babae. Bihira ang ganyan ha? So saan ka ba dati nagmomodel?", he asked me again.

"Sa bahay namin. Madalas sa eskinita. Pero minsan sa libingan.", taas-noo na sagot ko.

Halos mapalunok ng laway ang matanda dahil siguro hindi niya inaasahan na ganitong model pala ang pinapasukan ko.

"Kakaiba ka. Ngayon ko lang yata nalaman na pwede pala magmodel sa patay. Ano bang pinopromote mo?", chismosang saad niya.

"Edi yung kabaong. Kasi may manliligaw ako, malapit na siyang mamatay. Sa palagay ko, isang ubo na lang 'yon pero lumalaban pa rin sa buhay. Siya si Bercasio ang may-ari ng funeraria. Kaya kung ako sayo, pwede ka ng magpa-reserve do'n incase na atakihin ka.", ngiting litanya ko.

Potah, hindi ko din alam kung bakit nahantong sa ganito ang sagot ko.

Sinasabi ko na nga ba, mukhang palpak ang mangyayari sa akin dito.

"Nakakatuwa ka naman Miss Yesha. Sa likod ng kagandahan mo ay palabiro ka pala.", he laughed.

"Ikaw din po. Sa kabila ng ngiti mo, hindi ka pa pala nagsipilyo. Ang taray ng ngipin mo ha, color of the year talaga. YELLOW.", bigkas ko ulit.

Bigla itong nahiya kaya agad niyang tinakpan ang bibig.

"Anyway, hindi ko na patatagalin 'to. I want you to be the model of the company. Ayos lang ba sayo?", tanong muli ng kaharap ko.

"Oo naman. Model lang pala. Napakabasic. Wala bang mas mahirap dyan?", mayabang na turan ko.

"Miss Yesha, huwag ka maging kampante. Dahil hindi lang basta model ang gagawin mo.", aniya ng lalaki.

"Well, kahit ano pa 'yan. I can do it.", bigkas ko na may malakas na boses.

"Kung gano'n, pirmahan mo ang kontrata na 'to. Bilang patunay na pumayag ka. Wala na 'tong atrasan.", paalala niya.

Mabilis kong kinuha ang ballpen at pinirmahan nga ang nasa papel.

At nang matapos ay bigla namang bumukas ang pinto dahilan para mapalingon ako.

"What are you doing, Yesha?",

Nagsasalubong na kilay ni Cleo ang nakita ko mismo.

"She's our model, Cleo. Tiyak magiging matagumpay ang kompanya natin. At mapapalago ito ng sobra.", masayang saad ng matanda.

"Damn Yesha! Pumirma ka?!", pagalit na sambit nito.

"Oo, model lang naman eh.", ngusong tugon ko.

"Gago. Hindi lang basta model 'yan. Tanga-tanga mo talagang putok ka. Gusto mo talagang pagpiyestahan ng mga lalaki ang katawan mo! Kaltok ka sa akin, mamaya!", usal niya na may gigil sa bawat salita.

©Binibining_Timoji

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon