CHAPTER 3

393 25 2
                                    

Chapter 3 (Miss, may putok ka)

Yesha POV:

"You know what, interesting ka sana. Kaso hindi ko alam, kung tao ka pa ba.", wika ng lalaki na tila hindi makapaniwala.

"Tao naman ako ha? Hindi lang halata, kasi ang ganda ko masyado.", confident na sabi ko.

Muntik naman siya mahulog sa inuupuan niya dahil sa narinig nito.

"Hayss! Ang hangin mo.", bigkas na lamang niya.

Totoo naman kasi.
Ba't ayaw nila maniwala?

"So, simulan na natin. The first question, bakit karapat-dapat ka maging secretary ko?", pagtatanong niya.

"Kasi Sir, gaya ng sinabi ko, maganda ako. Bukod do'n, sexy ako. At higit sa lahat, matalino ako.", taas-noo na wika ko.

"Matalino ka? So kabilang ka lagi sa honor students?", he asked again.

"Hindi. Hindi ako honor eh. Pero kasali ako lagi sa TOP.", nakangiting tugon ko.

"Really? Then, pang-ilan ka sa top?", tanong niya ulit.

"Top 48, Sir.", agad na sagot ko.

"What the fuck! Pinagloloko mo ba ako?", pagmumura ng binata.

"Sir, ang usapan natin ay top. So 50 students kami sa klase. Kaya bale, dalawa ang natalo ko sa ranking. And it means, matalino ako.",

"May saltik ka yata sa utak.", usal ng lalaki sa akin.

"At least may utak.", pataray na sambit ko.

"Tsk. Let's move on to the second question, ano ba ang mai-sheshare mo dito sa kompanya?",

"Anong klaseng share ba gusto niyo, Sir? Yung kagandahan ko ba? Actually, handa ako magdonate. Kasi nung umulan ng kagandahan, lahat ng empleyado niyo dito tulog yata tapos ako lang yung gising.",

"Shit! Hindi ka ba nagsasawa sa pagsasabi mo ng maganda sa sarili mo, Miss Rexona?", turan niya.

"Sir, it's Redoma, not Rexona. Duhh! Ang yaman na tao, walang pambili ng cotton buds.", bigkas ko sabay irap.

"Ang daldal mo. Mabuti pa, sagutin mo na lang ang last question ko. Are you---virgin?", he asked me na medyo nauutal pa.

"Seryoso ka sa tanong mo na 'yan?", balik na usal ko.

"Do you think I'm joking?", muli niyang sambit.

"Oo. Kasi hindi ako makapaniwala na pati pala pepe dito pinoproblema ng iba.",

"Sino bang may sabi na 'yan ang tinutukoy ko? I'm asking you kung virgin pa 'yang kamay mo? You're my secretary at ayoko ng pasmado.", wika niya sabay tayo.

May ganon? Kapag pala pasmado ang kamay, ibig sabihin, laspag na ito?

Hays!

Napatayo naman ang binata at bumuntong-hininga bago nagsalita.

"You're hired. So tomorrow, ang umpisa ng trabaho mo.", sabi niya sa akin.

Sobra akong nasiyahan dahil sa naging successful ang mga sagot ko.

Shet!

After two years na pagiging tambay, may work na ako!

"Salamat Sir. See you bukasss. Mwaaaaahh!", ngusong sambit ko.

Akma na sana akong lalabas ng office niya pero bigla niya akong tinawag ulit.

"Sandali lang. Here 1,000 pesos. Bili ka ng rexona mo para naman mag-amoy tao ka.",

Hindi na ako nag-inarte pa kasi pera na 'yan.
Sayang naman diba?

Umuwi ako sa bahay na may good news na dala.
Tuwang-tuwa naman si mama nang ibalita ko ito.

Pero dahil sa sinabi ng amo ko na may putok ako, minabuti kong tanungin si nanay.

"Ma, isang tanong, isang sagot, may amoy ba ang kili-kili ko?",

"Nak, kung sino man ang may sabi n'yan sayo. Maniwala ka sa akin, tama sila.", pagsasagot niya.

Takte! All this time, I have a power?!

Why naman gano'n?

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon