Chapter 19

291 18 0
                                    

CHAPTER 19 "Miss, May Putok Ka"

YESHA POV:

MAHIGPIT akong hinila ni Cleo palabas ng opisina.

After I signed the contract, kakaiba ang naging reaksyon ng binata.

I can't even read his mind dahil panay sermon ito sa akin habang papunta kami sa sasakyan.

When we stopped, tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.

Nakakahingal din pala maging gano'n.

"Pwede bang time first muna?", bigkas ko na medyo pagod ang boses.

Naka-heels kasi ako kaya talagang sumakit ang paa ko at nahingal ako.

"Ba't ba kasi ang bobo mo?", tanong nito na animo'y naiinis ng husto.

"Ano bang bobo ang pinagsasabi mo? Diba dapat magthank-you ka dahil tinulungan kita.", usal ko sa lalaki.

"Seryoso ka ba? Gusto mong pasalamatan kita dahil pumirma ka sa isang kontrata na halos kita na ang kaluluwa?", bigkas niya at hinampas ang kotse.

"Damn you, Yesha! Ang sarap mong kaltukan sa ulo!", he shouted again.

"Edi kaltukan mo. Palibhasa, wala kang manners!", bulyaw ko sa binata.

Akma na sana akong tatalikod para pumasok sa kanyang sasakyan, nang maramdaman ko ang tunog na nanggaling mismo sa parteng ulo ko.

*Pok*

Ampotah, kinaltukan nga ako!

Feeling ko, naalog ng konti ang utak ko dahil sa ginawa niya.

"How dare you! Ang sakit no'n ha?!", sambit ko kay Cleo habang nanlilisik ang aking mata.

"Tama lang 'yan sayo, para kahit papano tumalino ka naman.", pahayag niya na lalong gumulo sa isipan ko.

Siya na mismo ang unang pumasok sa kotse, samantalang ako ay sumunod na lang.

Ayoko munang kausapin ang binata dahil galit ako sa kanya.
Hindi ko kasi maintindihan kung para saan ang kaltok na 'yon.

And now I'm still asking, kung para saan ba ang kaltok na ginawa niya?

Attitude siya masyado, mukha namang  brief na butas.

Ako na nga 'tong gumawa ng paraan para tulungan siya, tapos ganito pa ang ibibigay niya?
Sumusobra na talaga si Cleo!
I hate him!

NAKARATING kami sa mismong office niya na hindi nagkikibuan.
Pareho yata kaming ma-pride na dalawa.
Pero 'di bale, kaya ko namang tiisin siya noh!

Kaya kung ayaw niya magsorry sa akin, pwess, hindi rin ako magso-sorry sa kanya.
Hindi ako sinilang sa mundo para lang sumuyo sa isang tao na matigas ang puso!

Manigas siya diyan!

But after thirty minutes of being silence, I walked to Cleo's table.

"Sabi nung lalaki na kausap ko kanina, pagmomodel lang daw ang gagawin ko. Kaya pumirma ako. Kasi gusto ko, maging proud ka. Because my goal is to help you.", mahinang sabi ko sa malambing na boses.

I just found myself standing in front of this guy while saying those words.

Ako rin yata ang sumuko sa sarili kong bitag.

Sorry, ubod ng rupok lang.

"Hindi ba uso sayo ang pagbabasa bago pirma?", taas-kilay nitong saad.

"Hindi. Kasi nga, sabi niya model lang. Tsaka, wala akong pakialam sa kontrata. Kasi yung tiwala ko sayo ay buong-buo. Kaya naging kampante ako sa ka-partner mo.", sagot ko sa tanong niya.

"Bullshit. Maganda sana, bobo kaso.", he whispered.

"Narinig ko 'yon ha?!", ngusong sambit ko.

"Ang alin?",

"Yung maganda.", nakangiting sabi ko at umupo sa bakanteng upuan.

"Kaya pala concern na concern ka sa akin kasi nagagandahan ka sa mukha ko. Pero sabagay, natural lang 'yan sa isang ginoo na may pagtingin sa isang binibini na katulad ko.", kinikilig na pahayag ko sa binata.

Na-realized ko kasi na baka ito ang rason kung ba't umuusok ang ilong niya.
Dahil ayaw niyang makita ng iba ang katawan ko.

I got it!
Tumalino nga ako dahil sa kaltok ni Cleo.

"Yes, you are pretty. Kaya nga, gusto ko akin ka lang.", seryoso niyang wika.

Natameme tuloy ako kasi feeling ko, may taeng nahulog sa short ko.

"--Pero kung panget yang itsura mo, kahit magswim-suit ka buong magdamag, wala akong pakialam. Baka nga pagtawanan pa kita.", pahabol na sabi nito.

Ouch! Ang sheket!

Parang bumalik tuloy sa puwet ko yung tae, hayop.

©Binibining_Timoji

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon