Chapter 10 (Miss, may putok ka)
YESHA POV:
"Do you love it, cupcake ko?", ngising tanong ni Cleo sa akin para pikunin ako.
Ang sakit ng ginawa niya.
Pinaglaruan niya ang damdamin ko.
Kaya hinding-hindi ko siya mapapatawad!"Aww aww aww.", tahol ng aso habang nakatitig sa labi ko.
Hawak pa rin ito ng binata kaya bigla na akong umalis sa pwesto ko.
"My doggy want to kiss you again.", muli nitong sabi.
"Kiss mo, mukha mo! Hayop!", singhal ko rito na may malutong na mura.
"Oo, hayop naman talaga siya. Kaya nga bagay kayo eh.", saad niya ulit at tumawa pa.
"Wow ha? Nahiya naman ang kili-kili ko sayo.", pataray kong wika.
Naiinis na tuloy ako sa kanya.
Bakit ba kasi aso pa yung nahalikan ko?
Natikman ko tuloy ang laway no'n.
Baka mamaya, tumahol na rin ako."So kumusta Rexona girl, masarap bang humalik si Doggy?", he asked me.
"Try mo kayang halikan, para alam mo.", saad ko na tila umuusok na ang ilong ko sa galit.
Kahit sino naman mapipikon. Todo bigay pa naman ako sa paghalik.
"Hahaha you look so cute. Hindi talaga nagkakalayo ang mukha niyong dalawa ng aso ko. Ayun nga lang, mas mukhang tao pa ito kaysa sayo.", mahabang pahayag nito.
Paano ba kasi pumatay ng tao na hindi makukulong?
Punong-puno na ako kay Cleo. Nadimunyo siya!Gusto kong durugin ang pagmumukha niya para hindi na siya maging pogi!
"HONEY?!", tawag naman ni Clarrise.
Base sa tunog ng sandals niya, halatang papalapit na ito sa kwarto ng binata.
"I'm here, honey!", she shouted again.
Nasilayan ko tuloy ang pagiging kabado ni Cleo.
Kaya hindi ko maiwasan na tumawa sa reaksyon niya.Naniniwala na tuloy ako sa salitang karma.
"Nye nye, buti nga sayo.", pagdidila ko pa rito para kabahan siya lalo.
"Honey? Bubuksan ko na 'tong pinto ha? Let's talk naman ohh. Ayusin natin 'to.", pabebeng sabi ng dalaga.
Napatingin naman ako sa door knob na iniikot niya, senyales na pabukas na ang pinto.
But you know what happened next?
Mabilis na kinuha ni Cleo ang kamay ko dahilan para mapalapit ako sa katawan niya.
And then he kissed me.
Oo mga siss, totoong halik na 'to!
Kaya susungaban ko talaga siya ng husto para ma-ipasa ko sa kanya ang laway ng aso.
Akala niya ha?
Top 48 kaya 'to, matalino!
BINABASA MO ANG
"Miss, May Putok Ka"
FantasyA funny and fantasy story of mine. Si Yesha Mae Redoma na tinatawag na 'Rexona girl', ay biglang gaganda dahil sa Magic Tawas. Yes, sa halip na Rexona ang makatulong sa kanya. Mismong tawas pa ang naging solusyon. (Well, sino nga ba siya?) Si Yesha...