CHAPTER 6 (Miss, May Putok Ka)
YESHA POV:
Pumasok na kami sa loob ng mancion.
Gaya ng inaasahan ko, nando'n ang fiance niya kuno.Oo, masasabi kong maganda siya, pero hanggang tuhod ko lang yung kagandahan niya.
"Honey, I miss you so much.", saad ng babae at yayakapin sana ang lalaki.
Pero dahil batang may laban ako, agad ko siyang hinarangan.
"Opps. Inorder ko na siya sa Lazada. Kaya hanap-hanap din 'pag may time.", bigkas ko sa maarteng salita.
Syempre, kahit may putok, dapat may class!
"Cleo, alam kong animal lover ka. Pero ba't mukhang demonyong hayop ang pinalit mo sa akin?", galit na sambit niya sa harapan ng binata.
Hiyang-hiya naman ako sa impakta na 'to.
"Ganda mo ha? Ganda!", sakrastikong sabi ko.
"I know right. And you don't need to remind me.",
Abah, inenglish pa ako ng bruha.
"Sino ba magulang mo?", I asked her.
"Why do you want to know? Na-iinggit ka ba sa lahi namin?", she smirked.
"Hindi. Ba't naman ako ma-iinggit? Tsaka, gusto ko lang malaman kung sino ang parents mo para masabi ko sa kanila na sana pinahid ka na lang sa kumot.",
BAGO MO AKO KALABANIN, MAGTRAINING KA MUNA SIS!
"Tama na 'yan. Hayaan mo na siya, cupcake ko.", pagpapatigil ni Cleo sa amin.
Tanginang callsign niya sa akin, 'cupcake ko'?!
So siya ang icing sa ibabaw ng utong ko?
"Opo, titigil na ako para sayo. I love you, jumbo hotdog ng buhay ko.", magalang na tugon ko sa aking ASAWA.
#FOREVER_NA_THIS
"I guess, we need to eat para mapag-usapan ang lahat. Hija Clarrisse, sumabay ka na sa amin.", wika ng mama ni Cleo na tila botong-boto sa dalaga.
Ampotah.
Kulang na lang yata subuan niya pa ng tae ang babae na 'to.Tseehh! Hate ko na ulit siya!
Pero dahil kasama ko naman si jumbo hotdog ng buhay ko, napapawi ang inis ko sa kanila.
Magkatabi kaming umupo na dalawa hanggang sa naramdaman ko na medyo namamawis na ang aking kili-kili.
Napaka-wrong timing naman.
Kaya nakita ko yung pagsinghot ni Clarrisse na tila may hinahanap na amoy.
"Tita, I smell something dead animals here. Meron ba kayong pinatay dito?", nandidiring wika niya.
"Hija, mukhang hindi naman hayop ang naaamoy ko. Parang medyas na sobrang baho.", turan ng mama ng lalaki.
Sa 'di malamang dahilan, bigla silang napatingin sa akin.
"Oh? Kapag mabaho, ako agad?!", malakas na bigkas ko.
"Of course! Sino pa ba ang bulok dito? Diba ikaw lang naman?!", saad ni Clarrisse.
Tangina neto, sumusobra na siya ha.
Abangan kita sa gate, akala mo.
"Stop it! Hindi mo kailangan sabihan ng ganyan ang mapapangasawa ko.", sambit ni Cleo para ipagtanggol ako.
How sweet naman.
"--Kasi kahit hindi mo sabihin, alam ko namang mabaho siya. And I fall inlove with that smell. Natural, walang halong kemikal!", patuloy niya.
Gago mga bhie, sabay gano'n.
And I realized, may positive impact naman pala ang putok sa kili-kili.
#PROMOTING_BAD_ODOR
"Omg! Aalis na ako, tita. Hindi ko na kayang tiisin ang amoy dito!", pag-wawalkout ng dalaga.
Hindi ko na pala kailangan abangan siya sa gate dahil kusa na siyang sumuko.
At pati si mommy ni Cleo, umalis na rin.
Ganito na ba kalakas ang putok ko?
"Bakit ka nag-stay? Wala ka bang balak na iwan ako?", I asked him.
"Yesha, sa isang araw na nakilala kita, nasanay na agad ang ilong ko. Mukhang hindi na yata rexona ang solusyon dyan sa putok mo.", seryosong wika niya.
"Edi ano?",
"Alisin mo na 'yang kili-kili mo, hayop!", pahayag nito na may kataasan na boses.
Etong si Cleo, pabago-bago ang ugali.
Pero ayos lang, dahil ang pagmamahal ko sa kanya, hindi magbabago.
Kaya kahit pagpapanggap lang sa amin ang lahat, para sa akin totoo na 'yon.
I will make sure that he will be mine.
RAWWWRR!!!Kung hindi ko siya madaan sa magangdang usapan, gagapangin ko na talaga ang jumbo hotodg niya.
#YESHA_LANG_MABANGIS
BINABASA MO ANG
"Miss, May Putok Ka"
FantasyA funny and fantasy story of mine. Si Yesha Mae Redoma na tinatawag na 'Rexona girl', ay biglang gaganda dahil sa Magic Tawas. Yes, sa halip na Rexona ang makatulong sa kanya. Mismong tawas pa ang naging solusyon. (Well, sino nga ba siya?) Si Yesha...