Continuation of Chapter 13 (Miss, may putok ka)
YESHA POV:
Dahil tuloy sa sinabi ko, biglang napatayo si Cleo.
Halatang nagustuhan niya yung salitang binigkas ko.
Nagkaroon tuloy ng kalokohan ang isip ko dahil sa nakita kong reaksyon sa mukha niya."So you want it to be real?", mapanuksong sambit nito.
"Of course not. Hindi ka naman mabiro.", pagtatawa ko na lamang.
Nawala tuloy ang excitement sa mata ng binata at napalitan ito ng pagtataka.
"Cleo, ang dami kong manliligaw. Kaya kung seryoso ka sa akin, matuto kang pumila.", confident na turan ko.
"Hindi uso dito ang V.I.P.", pahabol kong saad habang nakataas ang kaliwang kilay ko.
Tumungo na ako sa kusina ng office niya para pagtimplahan siya ng kape.
Hindi pa nga nag-ilang oras, madami na agad na magandang nangyari sa buhay ko.
It made me realized that beauty is important.
Kapag maganda ka, hahabulin ka.
Kapag maganda ka, rerespetuhin ka.
Kapag maganda ka, mamahalin ka.In short, if you are beautiful, you will be the priority.
At ganyan talaga ang katotohanan.AFTER I gave the coffee, I also started to work.
Bibilisan ko lang ito para makarampa ako mamaya.I can't wait na lumandi sa ibang lalaki.
Kailangan ko ng maraming reserba para masaya."Sir, may I go out? Bibili ako ng pagkain." paalam ko sa binata.
Natigil naman siya sa kanyang ginagawa at tinapunan ako ng tingin.
"Don't go. Just stay here. Magpapadeliver na lang ako.", kalmadong sabi nito.
"Matatagalan pa 'yan. Gusto ko ng kumain. Nagugutom na ako.", pag-aacting ko sabay hawak pa sa tiyan para maging kapani-paniwala.
"Seriously? Kakapasok mo palang tapos gutom ka agad.",
"Hayss! Bakit ba kasi pati pagkain ko, sisitahin mo ako? Hello, this is one of my rights as a human being. And I have the rights to eat.", bigkas ko sa matapang na paraan.
Sabi ni nanay, kapag nasa katwiran ka, ipaglaban mo!
"Tanginang bibig mo 'yan, dinaig pa ang bulkan. Palaging sumasabog! Oo na! Pasalamat ka, nagagandahan ako sayo ngayon!", he shouted.
"Hindi lang ngayon. Dahil araw-araw na ako magiging maganda!", pasigaw kong saad at lumabas na.
Sumakay na ako ng elevator para tumungo pababa.
Nando'n kasi ang kainan.Taray noh? May sariling canteen ang Kompanya ni Cleo.
At 'wag na kayong magtaka dahil masasarap din ang foods nila dito.
"Hi Miss, new employee ka ba?", tanong ng lalaki.
Sinundan niya pala ako hanggang sa makapunta ako ng kainan.
"Yes. New employee since ilang days palang ako dito sa Company. How about you? Ngayon ko palang nakita ang mukha mo.", balik na turan ko.
"Actually, I am also a new employee. Ngayon palang ako magsisimula. So may I know your name?", agad na bigkas niya.
Gusto ko 'to.
Straight to the point magsalita."I'm Yesha Mae Redoma. Pero para hindi ka na mahirapan sa pangalan ko, just call me 'Diyosa' na lang.", ngiting sagot ko at nakipagshake-hands sa kanya.
"That's nice. Nakakabighani naman talaga ang ganda mo. By the way, I'm Vince.", he complimented.
"Ano ka ba. Bullying na 'yan ha. But thank you.", I smiled again.
Umorder na ako ng makakain. And still, kinukulit pa rin ako ng lalaki.
Hindi nagtagal, nag-usap na kami ng masinsinan. Until our conversation goes to 'date'.
Inaaya niya akong lumabas kaming dalawa sa linggo."Yesha--I mean Diyosa, pumayag ka na. Magde-date lang tayo. Promise, date lang.", wika niya muli.
"Vince, strict ang mother ko eh. Kaya pasensya na ha? Godbless.", I replied.
"Sige na kasi. Kahit isang oras? Gusto ko lang kasi na makasama ka. If you want, ako na mismo ang susundo sayo para mapaalam kita sa mama mo.",
Loko-loko din yata 'to.
Ngayon palang kami magkakilala, akala mo close na agad kaming dalawa.
Pero sige na nga.
Dahil nakapasa siya sa standard ko, try ko ding harutin ang binata.
#GOODBYE_CLEO!
BINABASA MO ANG
"Miss, May Putok Ka"
FantasyA funny and fantasy story of mine. Si Yesha Mae Redoma na tinatawag na 'Rexona girl', ay biglang gaganda dahil sa Magic Tawas. Yes, sa halip na Rexona ang makatulong sa kanya. Mismong tawas pa ang naging solusyon. (Well, sino nga ba siya?) Si Yesha...