CHAPTER 15

249 17 2
                                    

CHAPTER 15 (Miss, May Putok Ka)

Yesha POV:

And I'm back!
Maganda na ulit ako!

Bumalik ako sa pagiging ganito nung inapply ko ang tawas sa aking kili-kili.

At least ngayon, alam ko na ang dapat kong iwasan.
Kapag humarot ako sa iba, ako ang malalagot.

Kaya kung ano ang sinabi ni lola, ayun ang susundin ko.

Naudlot tuloy ang date namin ni Vince.
Nakakahinayang pero wala akong choice.

Kaya kinaumagahan, matamlay ang mukha ko na pumasok sa Kompanya.
Nahalata agad ito ni Cleo dahil pasulyap-sulyap siya ng tingin sa akin.

"What's wrong with your face?", he asked me.

Talagang inenglish pa ako, hayop.

"Wala!", pasigaw kong sagot.

"Ba't ang sungit mo? Huwag mong sabihin na may dalaw ka.", he said.

"Sanaol dinadalaw.", tanging turan ko.

Wala ako sa mood ngayon.
Kaya ganito ako umasta.

Pa'no kasi, date na lang naging putok pa.

"Kulang ka talaga sa turnilyo. Sana next time, utak mo naman ang ayusin mo.", pag-uusal niya.

"Gago!", malutong na mura ko sabay taray ko sa binata.

And I remember again yung sinabi ni Lola. Dapat pala si Cleo lang ang gagapangin at kakalampagin ko.

Pero paano ko naman magagawa 'yon, halos awayan lang kami na dalawa.

But anyway, I have a bright idea!

"Jumbo hotdog.", tawag ko rito sa malambing na boses.

"Oh? Ano?", sambit niya na tila naging baliktad ang pangyayari.

Parang kanina lang ako yung masungit tapos ngayon siya na.

"Gusto mong kumain? Date tayo.", ngiting saad ko.

"Are you serious?",

"Oo. Seryoso ako. Hindi naman ako katulad ng iba na paasa.", muli kong wika.

"Tsk. Ayoko.", pagtatanggi niya.

Ang sakit no'n ha?!
Sapul na sapul ang singit ko.

"Bakit ba? Ayaw mo ba akong makasama?", nakangusong tanong ko.

Sana pumayag siya.
Kasi kung papayag siya, sisiguraduhin ko talaga na kakalampag kami sa kama.
Dahil ang balak ko ay lasingin siya. Rawwr.

"Dahil ayokong magdate tayo. Ayokong kumain tayo. Kasi ang gusto ko, tayo mismo ang magkainan.", walang paligoy-ligoy na pahayag niya.

"Ulol! Ang bastos ng bunganga mo! Anong akala mo sa akin, madaling pumayag? Like hello, pag-usapan na natin 'yan sa hotel.", bigkas ko rito.

Ganyan dapat, 'wag tayong tumanggi sa grasya.

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon