CHAPTER 17 (Miss, May Putok Ka)
YESHA POV:
MALAKAS kong itinulak si Cleo dahilan para makawala ako sa kanya.
Kaya heto, palayo akong tumatakbo sa binata habang tinutungo ang comfort room.
Sa sobrang pagmamadali ko, naiwan ko yung magic tawas ko sa bag.
"Paano na ako babalik sa dati? Ang ikli pa naman ng suot ko tapos labas pusod pa. Ang dumi ko.", kausap ko naman.
Habol-hininga ako ngayon na nakaharap sa salamin at pinagmamasdan ko ang aking libag sa bawat sulok ng katawan.
Bakit gano'n?
Bakit nangyari na naman 'to?
Ang bilis yata ng karma ko.Sa pagkakaalala ko, hindi naman ako lumandi sa ibang lalaki. Pinaprank ko lang naman si Cleo para magselos siya.
"Yung matanda na 'yon, namumuro na talaga sa akin. Pangalawang beses na 'to ha? Palibhasa, wala na siyang asim.", inis kong bigkas.
Pero agad akong napahiyaw nang may sumampal sa pisngi ko.
"Naririnig kita. Kaya 'wag mo akong tinatraydor dyan. At kahit matanda na ako, mas maputi naman ang kili-kili ko kaysa sayo.", pagbubulong niya.
Natatakot tuloy ako dahil nagiging invisible ang matanda, hindi ko siya mahagilap.
"Lola naman, jinojoke ko lang kayo. Pero pwede pa-favor? Pakikuha naman ng tawas ko sa bag total ang astig niyo, hindi ko kayo makita.", wika ko naman para iparating sa kanya na inuutusan ko siya.
"Galing mo naman Ineng, ako pa talaga ang dapat kumuha noh? Nahiya naman yung nagbigay sayo ng magic tawas.", pag-uusal nito.
"Favor lang naman eh. Sige na.", pangungumbinsi ko kahit hindi ko alam kung saan siya banda.
"Kunin mong mag-isa, total ginusto mo 'yan. Landi pa more.", insulto niya sa akin.
Ang sama ng ugali.
May minus point kaya siya sa langit?"Nababasa ko isip mo, tanga!", sigaw nito.
"Ikaw lang yata ang ma-attitude na matanda. Pasalamat ka, hindi kita nakikita. Dahil kung hindi, pinaamoy na kita ng kili-kiki ko.", ngusong turan ko muli.
"Sorry, pero naka-mask ako hija.", tugon niya at tumawa.
Nadimunyo. Laging handa pala 'to. Kaya matagal mamatay.
"Hija, matagal na akong patay. Hindi ba 'yon halata? At yung tawas na binigay ko sayo, galing mismo 'yon sa ihi ko.", wika niya dahilan para manghina ako.
Pinagtitripan yata ako ng matanda na 'to.
Lakas din tama, mas malakas pa sa putok ko."S-seryoso ka?", tanong ko na may pandidiri sa boses.
Tao rin ako kaya natural din na mandiri ako. Lalo pa nung sabihin niya na ihi 'yon.
"Syempre joke lang. Arte neto. Dyan ka na nga! Pweeeh!", huling saad nito.
Naging tahimik na ang loob ng C.R at nagpapahiwatig ito na umalis na nga si lola.
Kaya naging kalmado na ulit ang isipan ko.
Pero paano na ako?Kailangan kong makuha ang tawas na hindi nila nakikita na ganito ang itsura ko.
Sawa na kasi akong pagtawanan ng mga tao. At sawa na rin ako na insultuhin ni Cleo.
"Hayyy! Ba't ba kasi sinabi mo pa 'yon? Ayan tuloy, magdudusa ka na naman.", paninisi ko habang kinakaltukan ko ang ulo.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Lord, please help me.
"Kung sino man ang tao dyan, please open the door. Naiihi na ako.", saad ng isang babae.
Natataranta tuloy ako.
"Don't you hear me? Kailangan kong umihi. Sasabog na ang kepyas ko dito.", sigaw niya ulit.
Kaya napilitan ako na buksan ang pinto.
Bahala na.
"Shit! Ang baho! Tumae ka ba? O baka ikaw yung tae?!", tanong niya sa akin.
"Bakit Miss? May mukha ba ang tae? Diba wala? Excuse me nga!", pananaray ko.
Siguro tatanggapin ko ulit ang mga salitang bibitiwan nila tungkol sa pagkatao ko.
Kasi wala naman akong choice eh.Wala akong choice dahil panget na naman ako.
©Binibining_Timoji
Dedicated to:
Bia, Reanne, Dee Naj, Regiella, Jessa, Jane Christy, Eloissa, Yvonne, Arlyn, Franshine, Chemie, Joanne and Jheden.
BINABASA MO ANG
"Miss, May Putok Ka"
FantasyA funny and fantasy story of mine. Si Yesha Mae Redoma na tinatawag na 'Rexona girl', ay biglang gaganda dahil sa Magic Tawas. Yes, sa halip na Rexona ang makatulong sa kanya. Mismong tawas pa ang naging solusyon. (Well, sino nga ba siya?) Si Yesha...