CHAPTER 14

250 16 1
                                    

CHAPTER 14 (Miss, May Putok Ka)

Yesha POV:

I'm wearing my sweet smile while walking towards to the office of Cleo.

I decided na bumalik na dito after we eat.
And yeah, tuloy na tuloy ang usapan namin ni Vince. We will see each other on Sunday.

Bahala na! Friendly date lang naman yata 'yon. Besides, hindi naman nagkakalayo ang mukha nila ni Cleo. Kaya tiyak mag-eenjoy ako na kasama siya.

"Anong ngiti 'yan, Yesha?", agad na tanong ng lalaki.

"Secret! Hindi ko sasabihin!", mapaglarong sambit ko.

Umupo na ako sa aking pwesto at tinuloy ko ang ginagawa.

Kaso si Cleo, bigla akong nilapitan.

"I see you on the CCTV, you're talking to another guy. So now tell me, ano ang pinag-usapan niyo?", he said in a serious voice.

Nagawa niyang kalampagin ang mesa ko kaya medyo nakakagulat ang datingan niya.

"Bakit ba? It's not your business anymore. Sa labas naman kami magkikita at kakain, hindi dito sa Kompanya.", turan ko at inirapan siya.

"Kakain kayo? Kailan, saan at anong oras?", sunod-sunod na bigkas nito.

Grabe! Hindi ko alam na details by details pala ang dapat kong sagutin.

"Pwede ba Sir Cleo, stop acting like that. Hindi totoo ang relasyon natin. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, makikipagdate ako sa ibang lalaki.", diretsang wika ko sa binata.

"Hindi pwede.", pangongontra niya.

"Ang gulo mo. Mabuti pa, aabsent na lang ako ngayong hapon. Sinisira mo araw ko. And please lang, 'wag ka ng maghabol sa akin. Kasi wala ka ng hahabulin.", saad ko nang tumayo ako ulit.

Taray ng linya ko.
Akala mo naman kung totoong hinahabol ako ni Cleo.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Yesha? Gusto mo bang lunurin kita ng halik ko?!", pananakot niya.

Asuss, ayan pa talaga ang sinabi niya.
Mas naging pursigido tuloy ako na siputin si Vince.

"Basta! Magde-date kami! Tapos!", pagsisigaw ko.

Hindi tuloy maipinta ang bibig ni Cleo na tila nagpipigil ng galit.

"Sige, subukan mo. Dahil sisiguraduhin kong siyam na buwan kang hindi lalabas ng bahay.", bigkas niya muli.

Shet! Mukhang bet ko 'yan ha?!

Susubukan ko talaga! Rawwwr!

NATAPOS ang trabaho ko na hinatid pa ako ni Cleo sa mismong bahay namin.
Ang concern niya masyado pagdating sa akin. Halatang ayaw niya ako mabastos ng mga tambay.

I feel the LOVE today. 
Pakiramdam ko, isa akong artista na hinahangaan ng lahat. 
Ang sarap pala maging maganda.
Nagagawa mo ang mga bagay na gusto mo. At higit sa lahat, mga binata na mismo ang lumalapit sayo.

Nagdaan ang mga araw at sumapit na nga ang Linggo.

Isang beses ko lang ginamit ang Magic Tawas at halos hindi na ako bumabalik sa pagiging amoy putok.

Nakakataba ng puso dahil tinupad nito ang kahilingan ko.

Hindi tuloy ako makapaghintay na makalikom ng maraming lalaki.
Because I know that boys will help me to forget my feelings for Cleo.
Ang dali, diba?

"Saan ang punta mo, anak?", saad ni mama nang makita niyang sinusuot ko ang hanging shirt ko.

Malinis na kasi ang pusod ko tapos makinis na rin ang kutis ko.
So there's nothing wrong kung ipakita ko ito sa mga tao.

"Ma, niyaya ako ng katrabaho ko. Kakain daw kami. Kaya baka gabihin ako ng uwi.", mahinang sagot ko.

"Naku Yesha ha, umayos ka!", sambit nito sa akin.

Parang kailan lang, hinahayaan niya akong gumala.
Kahit nga umaga ako umuwi, tuwang-tuwa pa 'yan si mama.
Kaloka!

"Byeee, I'll be back! Mabilis lang ako.", turan ko bago umalis ng bahay.

Malapit lang yung lugar na pinag-usapan namin ni Vince kaya lalakarin ko na lang.

As usual, panay sipol ng mga kalalakihan ang naririnig ko.

Akala naman nila, papansinin ko sila?
Hello, syempre OO. Malantod ako eh.

Nilibot ko naman ang aking mata sa bawat sulok.
Hinahanap ko si Vince dahil nandito na ako sa place na sinabi niya.

Kaso kahit anong gawin ko, hindi ko mahagilap ang binata.
Siguro, naglalakad pa din 'yon o kaya naman traffic sa kalsada.

Kaya maghihintay tuloy ako ng ilang minuto sa kanya.

I stand here for almost twenty-five minutes. 
Ramdam ko na rin na pinagtatawanan ako ng mga tao.

Seriously? May muta yata sila.

I just ignored them dahil saktong dumating na si Vince.

Nakasuot siyang polo at bakat na bakat ang alaga niya.
Damn! Nakakaakit ang porma ng lalaki.

Kaya ako na mismo ang lumapit sa gawi niya para batiin siya.

"Hi Vince, I've been waiting for you. Alam mo ba, nangalay na ang legs ko kakahintay sayo.", turan na may pagtatampo para suyuin niya ako.

"Who are you?", tanong nito sa akin sabay takip ng ilong.

"Anong who are you ka dyan? Hello, ako 'to si Yesha.", pagpapakilala ko.

"Ikaw 'yan? Nangtitrip ka ba? Ang dungis mo!", he shouted.

Dito ko lang tiningnan ang sarili ko na ngayon ay halos libag ang nakikita ko.

Teka, anong nangyari sa akin?
Bakit nagkaganito ako?!

"V-vince, I n-need to explain.", utal kong sabi. Akma ko sana siyang hahawakan pero bigla siyang lumayo at tinalikuran ako.

And then I saw many people laughing because of my posture.

Para akong maiiyak dahil sa kahihiyan ko ngayong araw.

Napa-upo na lamang ako para kahit papano maitago ko ang aking mukha.

"Ineng.", tawag sa akin ni Lola na nasa harapan ko.

"La, b-bakit naging ganito ako? Bakit bumalik ako sa dati?", mangiyak-ngiyak na sambit ko.

"Ineng, binigay ko 'yang tawas sayo para mahalin ka ni Cleo, hindi para humarot ka sa iba. Ang harot mo kasi masyado.", bigkas niya agad.

"H-ho?",

"Ang magic tawas na 'yan ay tatagal sayo. Pero Ineng, babalik ka sa dati mong anyo kapag lumandi ka sa ibang lalaki. Sa madaling salita, kay Cleo ka lang dapat kumalampag.", walang paligoy-ligoy na sabi nito.

Tangina.
Kilala niya si Cleo? Ang jumbo hotdog ng buhay ko!

Choosy din pala ang tawas na 'to.
Dapat pala stick-to-one lang ako. Hayop!

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon