CHAPTER 8 (Miss, may putok ka)
Yesha POV:
HALOS gusot ang damit ko nang matunton ko ang Company ni Cleo.
Kahit sino, magiging ganito ang kalagayan lalo pa't tatlong matanda ang humarang sa akin sa kalsada.
Yes, tatlo sila. Matapos si Roberto, sumunod naman si Bercasio na may ari ng funeraria. At humabol naman si Gregorio na isang ubo na lang, patay na.
Lalong na-stress ang singit ko sa mga oras na 'yon.
Pero buti na lang at nalagpasan ko ang pagsubok kanina.So here I am, wearing my sweet smile habang nakasakay sa elevator para tumungo sa opisina ni Cleo.
When I stopped in that area, bigla akong kinabahan dahil sa titig ng binata.
"Why are you late?", he asked me.
Boses niya agad ang bumungad sa tenga ko na tila gusto niya magpasuyo sa akin.
"Do you hear me, Rexona?", muling sambit niya.
"Of course. Hindi naman ako bingi, tulad mo.", mabilis na sagot ko.
"Then why are you late? Can you please explain it to me details by details kung anong dahilan mo.", pagwiwika nito.
Awtomatikong napangiwi ang labi ko dahil sa pagtataka.
"Sir naman, ano 'to story teller? Once a upon a time, there was a girl who is beautiful--aray ko!", I shouted nang maramdaman ko ang isang bagay na dumampi sa aking mukha.
"Ang kulit mo. Hindi ko sinabing magkwento ka. Nasa'n ba utak mo ha? Nasa kili-kili?", he said.
"Ang harsh mo naman magsalita. Palibhasa kasi, wala ka sa sitwasyon ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang maging maganda. Masyado akong habulin ng mga lalaki.", pagdadrama ko na.
At this point, nagkaroon siya ng interest sa sinabi ko.
"Ikaw? Hinahabol ng mga lalaki? Baka naman kasi may ninakaw ka.", pagbibintang ni Cleo.
"Grabe ka! Hindi noh! Ba't ba kasi hindi ka sumasang-ayon sa akin? Pasalamat ka nga, hindi kita pinahirapan. Hindi tulad ng iba, pinagpipilahan pa ako.", taas-noo na pahayag ko sa kanya.
Napahilot naman ito ng sintido dahil sa kadaldalan ko.
But still, muli akong nagsalita.
"So in short, thanks to me. Dahil ang katulad mo na gwapo ay nararapat lang sa katulad ko na mestisa. Like shet, we are very compatible to each other talaga jumbo hotdog ng buhay ko. I can't wait na ipalaman na 'yang hotdog mo sa tinapay ko.", gigil na saad ko.
When kaya ito mangyayari?
BINABASA MO ANG
"Miss, May Putok Ka"
FantasyA funny and fantasy story of mine. Si Yesha Mae Redoma na tinatawag na 'Rexona girl', ay biglang gaganda dahil sa Magic Tawas. Yes, sa halip na Rexona ang makatulong sa kanya. Mismong tawas pa ang naging solusyon. (Well, sino nga ba siya?) Si Yesha...