CHAPTER 4

358 22 0
                                    

Chapter 4 (Miss, May Putok Ka)

YESHA POV:

It's another day! Ang bilis lumipas ng araw.

Kaya bago ako pumunta ng Kompanya, bumili ako ng Rexona.
Kasi ngayon, alam ko na ang katotohanan.

Mabaho ang kili-kili ko, pero maganda pa din ako.

Hindi tulad ng iba dyan, mabaho ang buong pagkatao.

"GOODMORNING!", masiglang bati ko sa mga nakakasalubong ko.

Pero ang mga gaga, hindi man lang ako binati pabalik.

Gano'n na ba sila ka-inggit sa kagandahan ko?

"Hanep pre, may bagong chikababe!", rinig kong sabi ng lalaki habang kausap ang isa.

Alam ko na ako ang tinutukoy niya, kaya kumindat ako sa kanya.

"Shit! I think, I found my girl.", wika niya na tila mahimatay sa kilig.

Lalo tuloy akong naganahan kaya agad kong tinali ang aking buhok dahilan para makita ang kili-kili ko. Sabi kasi ni mama, maganda ako kapag nakatali ang buhok.

"Potangina! Ang itim ng kili-kili, hayup!", sigaw ng lalaki sabay tawa.

"Ang ganda sana ng mukha, pero pagdating sa kili-kili, gago, balik ulit tayo sa mukha!",

Punyemas siya, pahingi nga ng dos por dos
Pramis hihimasin ko lang.
Tsk!

"Hi Sir, have a nice day!", bati ko sa amo ko.

As usual, kakalimutan ko yung pambubully sa akin nung lalaki kanina.

"I need coffee, kaya pagtimplahan mo ako.", utos nito.

"Yes Sir, noted!", bigkas ko naman.

Pumunta ako sa may kusina ng office niya.

Ang office niya kasi parang bahay na kung titingnan.

Syempre, feel na feel ko maging ganito.
Dahil nasisiguro ko na ako ang mapapangasawa niya.

"Eto na ang kape niyo Sir.", malambing na sabi ko.

Talagang dinidikit ko ang aking katawan sa kanya para maamoy niya na mabango ako.

Pero ampotah, dinideadma lang ang karisma ko.

"Sir, if you don't mind, ano ba pangalan mo?", tanong ko rito.

"Seriously, you don't know my name?", bigkas niya sa akin.

"Magtatanong ba ako kung alam ko? Sige, isipin mong mabuti 'yan.", I said in a sarcastic way.

"Ikaw ba ang CEO dito o ako?", turan nito.

"Sinabi ko bang ako? Inangkin ko ba trono mo? Diba hindi naman?", wika ko muli.

"Can you just shut up? Nandito ka para magtrabaho, hindi para guluhin ako.", masungit na tugon niya.

"Nagtatanong lang naman ako.", I said as I pout.

Pero gago, hinayaan lang ako. Hindi man lang ako sinuyo. Amp.

"Do your job. Tingnan mo kung anong oras ang meeting ko.", wika nito na hindi man lang ako tiningnan.

Wala akong choice kundi ang sundin siya.

I open the papers at hinanap ko mismo do'n ang kasunod niyang client.
Pero habang naghahahanap ako, bigla naman nag-ring ang telepono.

"Answer the call. And tell to me kung sino ang tumawag.",

"Opo boss!", I shouted.

Sinagot ko nga ang tawag at laking gulat ko nang tumili ang babae sa kabilang linya.

"Sa wakas, sinagot mo rin ang tawag ko.", saad nito.

"Gaga. Sino ka bang hindot ka? Kung makatili ka, akala mo kung kinukurot ang singit mo!", usisa ko sa dalaga.

Mabuti ng prangkahin ko siya dahil hindi niya pwedeng agawin sa akin ang CEO ng buhay ko.

#WALANG_TALUNAN_BHIE

"And who are you?", tanong ng babae sa akin.

"I'm Yesha Mae Redoma. 21 years old. Virgin pa. At wala pang first kiss. Sexy, maganda, at matalino. How about you? Siguro ang panget mo.", pagtataray ko.

Akala niya ha.
Palaban kaya 'to, since birth.

"Sis, I'm Clarrisse. I'm half Filipina. An International Model and an actress here in America. Aside from that, I'm also known as designer.", bigkas naman nito.

Tangina, lugi ako do'n ha.

Kasi ako, Half-Maganda at Half-Maganda pa din.
Wala lang, hinati ko lang.

"Oh? Ano naman ngayon? Bakit ba kasi tumawag ka? At kaano-ano ka ba ng CEO ng--",

"He's my fiance. Kaya natural lang na tumawag ako. So girl, mind your own business. Kung ako sayo, give that phone to Cleo.", turan niya sa akin.

So Cleo pala ang pangalan ni Sir.
Hmm sounds yummy!

"Excuse me, hindi ikaw ang amo ko para utusan ako. Kung may kailangan ka sa kanya, edi pumunta ka dito. Wag mo akong utusan. Myghad! Bye!", inis kong sambit at binaba ko na ang telepono.

Nakita ko namang nakatingin sa akin si Sir na animo'y namangha sa ginawa ko.

"Ikaw ang sagot sa lahat, Rexona girl.", pakindat niyang sabi dahilan para magtaka ako.

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon