CHAPTER 9 (Miss, may putok ka)
YESHA POV:
"AT LAST, TAPOS NA RIN AKO!", malakas na sigaw ko.
I'm done doing my work kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Dito ko kasi tinuon ang pansin ko matapos akong mapahiya kanina.
"Where are you going, Rexona girl?", tanong ni Cleo.
Palabas na sana ako ng office nito kaso bigla niya akong sinita."Kakain.", tipid na sagot ko.
Nagugutom na kasi talaga ako.Akalain niyo, masyadong makapal na papeles ang binasa at inayos ko dahil ito ang utos niya.
At dahil dito, medyo nababasa na naman ang kili-kili at singit ko.
"Isang oras palang ang nakalipas, Rexona. Tapos gutom ka agad? Ano bang meron sa tiyan mo ha? Anaconda?", kunot-noo na saad niya.
"Sir, nagugutom din po ako. Nai-stress din po ako katulad mo. Ayon nga lang, hindi lang halata kasi ang cute ko masyado.", turan ko sa binata.
Buong akala ko, kokontrahin na naman niya ang sinabi ko. Pero hindi eh. Hindi niya 'yon ginawa.
Bagkus, nakita kong inayos niya ang papers sa table at kinuha ang coat."Edi, kakain TAYO.", madiin na sambit niya sa huling salita.
"W-what? We gonna eat together?", I asked him.
"Tsk. H'wag ka na mag-english. Parang kinakain mo ang bawat letra.", tugon niya at hinila ako.
Hayss! Masyado niya na akong minamaliit!
Pero ayos lang, kasi dito nagsisimula ang love story sa bawat movie na pinapanood ko."Saan mo ba ako dadalhin?", usisa ko nang sumakay na ako sa kotse niya.
Syempre hindi maiwasan yung malagkit na tinginan ng mga empleyado sa amin habang pababa kami sa garahe.
"In OUR house.", he answered.
"Sa bahay n-natin?",
"Yes. Don't you remember, buntis ang pakilala ko sayo kila mom. Kaya galingan mo ang pag-arte mo ha?", pagtuturan niya.
"Asuss, ayon lang pala. Of course nemen. Gusto mo patungan pa kita para kapani-paniwala.", bigkas ko rito pero bigla niya ako tiningnan na malalim.
"Eto naman, hindi mabiro. Joke lang.", pagbabawi kong saad.
Bumaba na ako sa kotse nung nahinto na ito sa kanila.
Gaya ng inaasahan ko, nando'n si mother-in-law.
At nung nakita niya ako, bigla nitong tinakpan ang ilong gamit ng diyaryo.
"Mother-in-law, mas fresh pa ako sa mukha mo. Kaya 'wag ka masyadong maarte.", wika ko sa kanya.
Pero tinarayan lang ako, hayop."Ang sungit mo, halatang hindi ka nadidiligan ng asawa mo.", usal ko muli bago pumunta sa kusina.
"Cupcake ko, what do you want to eat?", malambing na tanong ni Cleo sa akin.
Sweet siya kasi nandito kami sa bahay nila.
Pero kapag nasa opisina, diring-diri siya sa kili-kili ko."Kung ano ang kakainin mo jumbo hotdog, gano'n din yung akin.", I smiled.
"Sige cupcake ko. But I guess, sa kwarto na lang tayo kumain.", turan niya kaya ito ang sinunod ko.
And yes, nawala bigla ang pagiging malambing niya nung kami na lang na dalawa.
"Hoy Rexona, 'wag ka mag-assume na gusto kita. Scripted lang yung ginagawa natin.", bigkas nito sa harapan ko.
"Excuse me, never akong nag-isip ng ganyan. Baka nga ikaw pa 'tong mag-assume eh.", balik na tugon ko.
Magsasalita pa sana ito kaso narinig namin ang sigaw ni Clarrise mula sa labas.
"Tita? Where's Cleo? Dumaan kasi ako sa kompanya kaso wala siya do'n.", bigkas niya sa mommy ng lalaki.
"Well, nandito siya. Nasa kwarto kasama ang bulok na babae niya.", sagot ni mother-in-law na sobrang linaw sa pandinig ko.
Mukhang makakasampal yata ako ngayon.
"Tsk. She's here. At hindi ako magkakamali na papasok siya ng room ko.", Cleo said.
"Edi i-lock mo.",
"Tinatamad ako mag-lock kaya hayaan mo na.", tugon niya ulit.
"Anong hayaan? Hello, ikaw palang nagsabi diba? Let's pretend like husband and wife. So kiss me.", mapang-akit na turan ko.
"Hahalikan kita?", hindi makapaniwalang sambit niya.
"Of course. Diba gano'n naman ang ginagawa ng mag-asawa?", pahayag ko sa binata.
Medyo matagal din bago ito sumang-ayon sa akin.
"Okay. But please close your eyes.", seryosong wika niya.
Shet! Ito na yata ang sinasabi nilang grasya!
Kaya mabilis kong ipinikit ang aking mata sabay nguso pa.
Hihintayin ko na lang na dumampi ang labi ni Cleo sa labi ko.
1...
2...
3...
And I feel his lips on mine.
Pero teka? Bakit parang dinidilaan niya na ang labi ko?
"Jumbo hotdog, ang wild mo palang humalik.", mahinang turan ko.
Kaso tumawa siya dahilan para mapamulat ako.
Pero potah, sa halip na mukha niya ang bumungad sa akin, mukha ng aso niya na naglalaway ang nasilayan ko.
Takteng buhay 'to! Akala ko grasya na yung halik.
Pero disgrasya pala! Animal 'yan!At talagang sa aso pa napunta ang first kiss ko!
Pero infairness, kakaiba magfrench-kiss si doggy.
BINABASA MO ANG
"Miss, May Putok Ka"
FantasyA funny and fantasy story of mine. Si Yesha Mae Redoma na tinatawag na 'Rexona girl', ay biglang gaganda dahil sa Magic Tawas. Yes, sa halip na Rexona ang makatulong sa kanya. Mismong tawas pa ang naging solusyon. (Well, sino nga ba siya?) Si Yesha...