CON. 10

249 14 0
                                    

Continuation of Chapter 10 (Miss, may putok ka)

YESHA POV:

Dikit na dikit talaga ang labi namin ng binata.
Halos ipulupot ko na rin ang braso ko sa kanya para hindi siya makawala.

At sakto naman na bumukas ang pinto kaya napasigaw si Clarrise.

"OMG! Ginawa mo pang boodle fight ang bibig ni Cleo!", bulyaw niya sa harapan namin.

Ito ang naging hudyat para makawala kami sa isat-isa ng lalaki.

"Magseselos na sana ako, pero bigla ako nandiri sainyo. Like ewww!", saad ulit nito.

Ang kapal ng face ni ateng.

Palibhasa hindi siya marunong magmukbang.

"Ano bang pakialam mo? He's my asawa na. Kaya kung naiinggit ka, edi halikan mo 'yang aso.", pataray kong sabi while pointing my finger to the dog.

"Yucks! Never! Ang dugyot mo! Makaalis na nga!", pag-iirap nito sabay flip pa ng hair bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Hindi man lang ito nagtagal. Halatang nilalamon ng kainggitan sa katawan.

Kaya kami ulit ni Cleo ang naiwan sa loob, kung saan bigla itong nasuka sa mismong sahig.

"Putangina, hindi ko alam kung kaninong laway ang may problema. Sayo ba o yung sa aso.", malutong na bigkas niya.

"Excuse me, grabe ka na kung manghusga sa akin. Para sabihin ko sayo, nagtoothbrush ako nung isang araw!", I shouted.

"The f-fuck! N-nung isang araw ka pa nagtoothbrush, so it means, hindi ka nagsipilyo ngayon?", he asked me.

Namumutla na ito sa sobrang pagkadiri sa nalaman niya.

"Hindi. Matipid akong tao eh. Ang mahal kaya ng colgate, 8 pesos sa tindahan.", usal ko naman.

"At talagang proud ka pa niyan?",

"Of course! Kasi kahit hindi ako magsipilyo ng isang linggo, maganda at fresh pa din ako. Kaya nga sarap na sarap ka sa paghalik sa akin.", pasundot kong wika sa binata para asarin siya.

"Gaga! Dinaig mo pa yung kanal sa baho ng hininga at laway mo.", pikon na sambit niya.

Muntik niya pa ako mabatukan, pero buti na lang nakailag ako.

Shet! Dami kong talent.

"Miss, May Putok Ka"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon