Song: San Francisco- Niall Horan
Moon
Agad akong dumiretso sa locker room nang matapos ko ang lahat ng mga kailangan kong gawin. My co-interns are now preparing to go home as well.
I greeted some of them before I open my own locker. Nilagay ko doon ang mga gamit ko pati na rin ang stethoscope ko. I sat beside Carmela whose busy chit chatting with Yen.
Tamad kong hinubad ang sapatos ko habang pinakikinggan ang usapan nila. Inalis ko na rin mula sa pagkakatali ang buhok ko at sinuklay ito.
"I know it was tiring though. I couldn't feel my legs. Kanina pa ako nakatayo!" reklamo ni Carmela.
Pinag-uusapan kasi nila ang naging ganap ngayong araw. They have an emergency case a while ago and based on what I've heard, they assisted in the emergency surgery. Tumayo lang akong muli para kuhanin ang pamalit ko. Habang abala sa ginagawa, tinawag nila ang atensyon ko.
"By the way, Fel," tawag ni Yen. "Na-discharge na ba 'yung pasyente mo? 'Yung kapatid daw nung piloto?"
Kuryoso akong bumaling sa kanila at nagtataka silang tiningnan.
"Ah, oo. Kanina lang. Bakit?"
"E, kasi nakita namin 'yung Kuya sa lobby. Parang may hinihintay. Grabe! Ang gwapo talaga ng isang 'yon ano? Paano mo natagalan 'yung case nang hindi nafo-fall dun?"
Hindi ko na pinansin pa ang huling sinabi ni Yen dahil mas nakuha ng atensyon ko iyong sinabi niyang nasa lobby daw si Archer at mukhang may hinihintay.
I wasn't even aware that he's serious with that. Sinabi ko lang sa kanya na siya ang bahala sa gusto niya pero hindi ko inaasahan na seseryosohin niya nga iyon. What did he even do during those 4 hours? He must be bored!
Bumuka ang bibig ko at napakurap.
Ang kulit din talaga ng isang 'yon, e! Ano ba kasi ang ibibigay niya at dinadaan niya pa sa ilang beses na pakiusap? If he's going to give me something, he should've already given it to me a while ago!
"Oh my gosh! Baka hinihintay ka, Fel!" Carmela ridiculously concluded. "Ano ba 'yan! Mag-tira ka naman para sa amin!"
Tumawa sila habang hindi parin maalis sa isip ko na maaari ngang naghihintay si Archer doon para sa akin.
"Bakit ba magtitira, e, nandito naman ako?" pag-singit ni Alex sa usapan.
Nakita kong agad siyang sinamaan ng tingin ni Carmela. Umangat pa ang gilid ng labi nito at parang nandiri pa sa sinabi ng kasama.
"Tse! 'Di kita kausap!" mataray niyang sinabi.
She rolled her eyes away from him before turning to me. Nakagayak na siya ngayon at mukhang handa nang umuwi pero dahil may nasagap na chismis, balak pa ata niyang mag-tagal at hintayin ako.