Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Song: obvious- Ariana Grande
Likable
I went to work early the next day. Hindi ko na nireplyan pa ang huling mensahe ni Archer dahil para saan pa? 'Di ko rin naman alam ang dapat sabihin, e.
If he's going to tease me about it, I can just make up an excuse that I... slept on him and that I have no interest in replying to his last message anymore.
Nakakainis din kasi ang isang 'yun, e. Nakakagulat palagi ang mga sinasabi kaya hindi ko rin tuloy alam ang gagawin minsan! If I could only request him to give me a warning every time he'll say things like that, I definitely would!
Carmela's already waiting for me at the cafeteria when I arrived at the hospital. Maaga ang magiging lecture naming kasama si Lucas ngayon dahil may importante din ata siyang aasikasuhin.
Kita ko agad ang mapaglarong ngisi ni Carmela nang matanaw niya akong papalapit. Talagang mabilisan niyang nilunok ang kinakain niya para lang makulit agad ako.
"'Di ka tumawag sa akin kahapon! Sabi ko sa'yo tumawag ka, e!" sipat niya nang maupo ako. She pouted.
"Ano ba kasi ang dapat kong sabihin? It's not that interesting."
Tamad akong sumandal sa upuan ko at humalukipkip. Pinag-iisipan ko pa kung ano ang kakainin ko ngayon. I already had my coffee at home. Si Carmela naman kumakain ng sandwich ngayon.
"Anong hindi interesting ka diyan? Kwento mo nalang! Ano ba kasi ang nangyari?"
And because she's my best friend and I trust her so much, I ended up telling her what happened yesterday night. Ang gaga akala mo nakikinig sa isang case dahil tutok na tutok sa akin. I rolled my eyes when a teasing smile crept into her lips when I finished.
"He definitely likes you, Fel." Aniya.
I shake my head. "He just likes making fun of me."
"Making fun of you? He complimented you twice! And you told me na out of nowhere niyang sinasabi 'yon! He probably can't control his feelings so he just suddenly blurts it all out."
I scrunched my nose. Hirap parin akong paniwalaan iyang mga sinasabi niya. Sobrang imposible lang kasing tingnan, e. I really feel like he's not the type of guy to like someone so easily. At isa pa, sigurado din ako na 'di hamak na mas magaganda namana kaysa sa akin iyong mga nakakasama niya sa trabaho.
Kaya... bakit ako?
"Believe me, Fel. Malakas ang kutob ko sa mga ganyan." Carmela tried to convince me again about her unbelievable theory.
"If he likes me, Carmela, then so what? I mean..." natigilan ako dahil hindi ko talaga maisip ang posibilidad ng mga sinasabi ng kaibigan ko. "I mean... I don't get it. If he likes me, why don't he just tell me? Malakas nga ang loob niya na biglang mag-sabi ng kung ano-ano tapos 'di niya magawang umamin?"