Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Song: Where Am I At- MAX
Offer
Naging maganda ang simula ng araw ko kinabukasan. I greeted everyone in the hospital with a smile on my face. My mini coffee date with Lucas is still fresh inside my mind. Umuwi ako nang may ngiti sa labi at pumasok ako nang ganoon parin ang ayos.
I just feel so happy, to be honest. I feel like one of my dreams just came true. I can't believe I scored a date with Lucas!
I must be really good in my past life to be rewarded like this.
"What's with the face?" kuryosong tanong ni Carmela nang matapos ang lecture namin kasama ang isang resident.
May on-going surgery daw sila Lucas kaya hindi siya ang nakapag-lecture sa amin. Naku! Sigurado akong kapag siya ang lecturer namin sa araw na 'to, walang humpay na naman ako sa kakangiti!
"Nothing," I said. "I just feel happy."
Naningkit ang mga mata ni Carmela. Sabay kaming nag-tungo sa counter kung saan hinihintay kami ng iilang co-interns para sa mga endorsement ng pasyente.
Carmela bumped me using her shoulder. May mapaglarong ngisi na sa kanyang labi kaya naman mas lumaki rin ang ngiti ko. I inserted both of my hands inside my white coat.
"Something must've happened last night. Nakita ko kayo ni Lucas kahapon ah? Saan kayo nag-punta? Anong ginawa niyo?" sunod-sunod ang tanong niya at punong-puno pa ng panghihinala ang boses niya.
I chuckled. "Nag-kape lang kami."
"Weh? Sinong nag-aya? Ikaw 'no?"
Ngumisi ako. Kung tutuosin, ako dapat ang mag-aya dito kay Lucas dahil ako itong may gusto sakanya. Pero... kabaligtaran ang nangyari! He's the one who initiated when I should be the one doing that! Ang sarap tuloy ipagmayabang!
"Hindi 'no!"
Mas lalo namang namilog ang mga mata ni Carmela. Tumawa ako.
"I know right! It's kind of unbelievable. Ako ang dapat nag-aaya sakanya. Pero nagulat ako nang bigla niya akong ayain kahapon." I continued.
Carmela's jaw dropped. Hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin. Umiiling-iling pa siya, mukhang hirap paniwalaan ang sinabi ko.
"'Di nga?!" sambit niya. "Anong ginawa mo ha?"
She poked me on my side. I gently pushed her hand away and smiled just by remembering what happened yesterday. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Wala. Natulog. Pag-gising ko, inaya na niya akong mag-kape."
"Ha? Niloloko mo lang ata ako, e!"
"I'm not even kidding, Carmela!"
Niyugyog niya ako at agad na pinakiusapan na i-kwento sa kanya ang nangyari. Hindi ko na nasabi sa kanya kahapon dahil parehas kaming abala sa trabaho.