Chapter Thirty-Eight

16K 434 64
                                    

Song: Train Wreck- James Arthur

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Train Wreck- James Arthur

News

"No..."

I keep on repeating those words as I watch Ron's blood continue to drip down his head. Nanginig ako at natulala ng sandali, hindi alam ang gagawin.

I didn't mean to do that. It was an accident.

Kahit na nanginginig pa ay sinubukan kong gumapang palapit sa kanya. Napasinghap ako nang makita ko kung gaano na karami ang dugong lumalandas mula sa kanyang ulo. Hindi pa ako mapakali dahil hindi ko alam kung ano ang uunahin.

My instinct told me to check for his pulse so that's what I did. I pressed my shaking fingers against his carotid pulse. Halos maiyak pa ako nang maramdaman kong may pulso pa siya.

Napasabunot ako sa sarili at napaatras sa katawan niya. Hindi ko talaga sinasadya. Sinubukan ko lang namang dipensahan ang sarili sa pag-atake niya. Hindi ko kailanman ninais na humantong sa ganito.

Patuloy ako sa panginginig. Halong takot at konsensya ang nararamdaman ko ngayon. I tried to catch my breath because I feel like I was having a panic attack.

Mahigpit kong hinawakan ang dibdib ko habang patuloy na hinahabol ang hininga. Nagpatuloy ako sa pag-atras, natatakot makita ang kasalanang nagawa.

You have to keep yourself together, Fel. You have an emergency situation on your hands. You have to act fast or else you'll lose this patient.

I took a deep breath and tried to stand up. Kaso, sa halip na makahinga ng maluwag, mas lalo pa akong nahirapan habulin ang hininga ko. I teared up.

"Doc, eto na po 'yung- Doc! Ano pong nangyari?!"

Agad akong napabaling sa pinto kung saan pumasok ang gulat na gulat na intern na kasama ko sa case na ito. I tried to say something but a muffled sound was the only thing that came out of my mouth.

"I need some help in here!" sigaw niya.

Sunod-sunod na pumasok ang ilang nurse pati na rin ang kapwa ko residents sa loob. Natigilan sila nang makita ang sitwasyon. Lahat sila ay napabaling ng tingin sa akin pagkatapos nilang tingnan si Ron.

Gusto kong ipaliwanag ang sarili. Gusto kong sabihin na hindi ko sinasadya at dinedepensahan ko lang ang sarili ko pero hindi ko magawa. Mas nangunguna ang takot sa akin.

What if I get in trouble because of this?

What if Ron dies?

What if... I get sued for this?

Hindi pa nakatulong ang pag-sigaw ng ina ni Ron nang makita ang nangyari.

"What happened?" Ron's father's voice thundered.

"Sir, you need to get out of the way." Ani isang nurse.

"Anong nangyari sa anak ko!? Bakit-"

Hindi ko na tuluyan pang narinig ang sigaw ng mga magulang ni Ron dahil sinara na ng nurse ang pinto at tuluyan itong nailayo sa silid.

Under the Same Skies (Donovan Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon