Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Song: Complicated- Olivia O'Brien
Coffee
Gulong-gulo si Archer habang hinihila ko siya palayo kay Ate Margaux. Kahit na nakakunot parin ang noo ay nagawa niya paring mag-padala sa pag-hila ko.
"What's happening? Did I do anything wrong?" tanong niya.
Kaunti lang ang naging layo namin kay Ate Margaux dahil wala na rin akong oras pa para makapagtago pa kami ni Archer gayong nahuli na kami ng kapatid ko.
Once we've stopped, I immediately glared and pouted at him.
"Oh! Are you mad?" tanong niyang muli na para bang na-bother pa ata sa ipinapakita kong reaksyon sa kanya.
I let out an exaggerated sigh and desperately raised both of my arms up in the air.
"Why didn't you check your phone!?"
"Why? Did you leave a message?"
Namilog ang mga mata ko. He didn't know!
"Yes! And a lot of them!"
Parang gusto ko nalang maiyak sa oras na 'yon. Ilang beses na kaming nahuhuli! Hindi na talaga kami pupwedeng mag-kita pa ulit dito sa ospital.
Kailangan na itong mailagay sa listahan ng mga lugar na bawal kaming mag-kita!
Napamura ako nang ngayon palang iche-check ni Archer ang kanyang telepono. Hinilot ko ang sentido ko at sinubukang ikalma ang sarili.
"Who is she by the way? Why do you look so nervous?" inosenteng tanong ni Archer habang hinahanap ko ang mensahe ko sa kanya.
Daming ka-text, Archer? Hirap na hirap hanapin ang akin!?
"She's my sister!" I almost shouted.
Agad na napaangat ng tingin si Archer sa akin at nabigla sa sinabi ko. His mouth parted.
"Oh! That was your sister! I'm sorry... I didn't know."
Kahit gusto kong magalit, hindi ko magawa dahil mukha talaga siyang inosenteng bata na walang kaalam-alam sa nangyayari.
He tried to reach for me as he looks at me apologetically. I didn't protest and just let him hold my hand.
"I'm sorry. I didn't know... I didn't check my phone anymore because I was busy driving." alu niya. I pouted more.
"Now you know... and now she knows!" bahagyang tumaas ang boses ko nang sabihin ko na alam na ng kapatid ko ang tungkol sa amin ni Archer.
I turn to look at Ate Margaux again to see if she already left but she's still there! And she's watching us!
Oh my god! This woman didn't leave!
Nang magkatinginan kami, agad niya akong pinandilatan ng mata na para bang sinasabi no'n sa akin na bumalik na ako dahil marami siyang tanong para sa akin.