#CharltonAWIJ
Kabanata 22
Birthday“Next week is his birthday, right?” tanong ni Seve sa akin, kalong-kalong ang anak niya pababa ng kotse.
Ako ang nagbukas ng pinto. Nakaupo si Ivan sa may lamesa habang may binabasa.
“Oo. Simpleng party na lang siguro rito sa amin.” Tumaas ang kilay niya. “Don’t worry may pera ako panghanda.”
Dinala namin sa kuwarto si Sebastian at doon inihiga.
“Let’s go somewhere else. Staycation or roadtrip.”
Inirapan ko siya habang inaayos ang higa ng anak ko.
“Hindi tayo magkatropa, Seve. At saka, mas magiging masaya si Sebastian sa ganoong setup kaysa sa Jollibee birthday party n’yong mayayaman.”
Paborito kong restaurant ang Jollibee pero bilang ina ay mas gugustuhin ko na mag-birthday ang anak ko kagaya noong birthday ko noong bata pa.
Iyong maraming mga bata, may clown, pabitin, palayok, at lutong bahay na handa. Isang taon kong pinag-ipunan ang birthday niya.
“Let me help.”
“Saan?”
He crossed his arm. “ Sa mga gastos. Sa preparations. I want to be part of that party. I deserve to be there.”
Isa-isa kong inilagay ang mga unan sa higaan namin ni Sebastian saka ko lang nilingon si Seve.
“Okay, chat na lang kita.”
Wala ako sa mood na kausapin siya. I don’t want myself to be connected to him. Iyong anak lang naman niya ang pakay niya sa akin. At ako, ang pagkakaroon lang ng ama ng anak ko ang gusto ko para sa kanya. No more feelings. Hindi na ako teenager.
Hinatid ko si Seve pabalik ng kotse niya saka isinara ang pinto.
“Busy ka yata, Engineer?” tanong ko kay Ivan na maski ngiti kanina ay hindi kami pinagbigyan.
“Malapit na finals.”
Kung malapit na ang finals, bakit panay pa rin ang punta ni Seve rito?
“Next week na birthday ni Seb. Puwede ka naman magdala ng kaibigan o girlfriend dito. Don’t be shy.”
Bahagya akong natawa sa sinabi ko. Hindi ko alam kung may nililigawan na ba ‘tong kapatid ko o maalam ba siya manligaw.
“Wala akong isasama.”
“Bakit? Wala kang friends?”
Iniwas niya ang tingin mula sa binabasa at diretsong tumingin sa akin. Inilapag niya ag hawak-hawak na ballpen sa kanan ng notebook niya.
“Wala. Ka-close lang.”
He’s an introvert! Maski noong highschool ay wala siyang kaibigan. Nakikipaglaro lang siya sa kung sinong ka-edad niya rito sa baranggay.
“Kamusta naman kayo ni Seve?”
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Iniusod ko palabas ang isang upuan para umupo.
“Walang kami. Okay naman sila ng pamangkin mo.”
“Hindi ko naman sinasabi na kayo. Pupunta siya next week sa handaan ni Seb?”
Ininom ko ang isang basong tubig na nakapatong sa lamesa. Kay Ivan ‘yon pero lagyan ko na lang ulit.
“Oo, naalala niya. Ang awkward no’n kasi malamang ako na naman ang pulutan ng mga kapitbahay.”
Ngumisi si Ivan. “Baka isama niya mga kaibigan niya. Malamang kukulitin na naman ako noong isa niyang kaibigan.”
Kumunot ang noo ko. Inilapit ko ang upuan kay Ivan.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...