Kabanata 5

17 3 18
                                    

#CharltonAWIJ
Kabanata 5
Plushie

"Sa'n tayo sunod na pupunta, travel buddy?"

Bumalik kami kanina ni Seve sa hotel matapos mag-lunch sa nadaanan namin na restaurant kanina. Sa Akihabara ko sana gusto pumunta kaso baka meron siyang gustong puntahan. Hindi lang naman ako dapat iyonh mag-decide.

"Ikaw? I told you that you should decide for the day. Ako na ang bahala kapag dumating 'yung araw ng concert." He brushed off his hair. Naglagay siya ng moisturizer sa mukha. Nag-i-skin care pala 'tong lalaking 'to kaya mas makinis pa mukha sa'kin.

"Ayos lang ba sa Akihabara tayo pumunta?" Kung ako lang mag-isa ay napuntahan ko na iyon kanina. Hindi ko naman puwedeng puntahan ang lahat ng gusto kong puntahan nang wala siya. Natutunan ko kay lola na kapag may kasama ka sa isang galaan ay kung saan ako pupunta ay dapat kasama ko rin at kung ano ang kinakain ko ay gano'n din dapat siya. Kay sense pero 'di ko ma-gets.

"Okay."

'Di na ako umasa na mahaba pa iyomg sasabihin niya. Siya si Seve, ano pa nga ba ang aasahan ko.

"Sure ka? Panay anime merchandise ro'n."

Akihabara is a shopping hub with different stalls na nagbe-benta ng mga merchandise ng iba't ibang anime. Galing sa Japan ang anime kaya may gano'n dito.

"May choice ba ako?" he asked. Nai-imagine kong umiirap siya sa'kin kahit na lalaki siya. Iyong kasungitan ng lalaking 'to kala mo siyang naglilihi.

Kaya ko mga siya tinatanong kung saan niya gustong pumunta para iyon ang puntahan namin. Baka kasi may gusto siyang puntahan tapos ayaw niyang sabihin sa'kin dahil alam niyang may plano ako.

Inayos kong muli ang sling bag ko at nagdagdag ng pera sa wallet. Baka mas marami akong mabili sa Akihabara pampasalubong kay Talia.

“Nanonood ka ng anime?” tanong ko kay Seve nang makababa kami ng hotel. He glanced at me with his stoic face. Para namang painting iyong mukha niya, hindi nababago ang hitsura. Pero painting fades whe something is put on it.

Umiling siya at ngumisi. “Hindi, but I watched two.”

Nanlaki at lumiwanag ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano kaya iyong napanood niyang anime? Baka naman Boku No Pico? Natatawa ako sa tuwing maaalala ko iyong mga kaklase kong nabiktima ng anime na iyon

Filipino Otakus have rules. Kapag may nagpapa-suggest na newbiew ay Boku No Pico ‘agad ang isa-suggest namin. 

“Kimi No Nawa? I’m not sure if that’s the title, but the second one is Weathering With You.” Iyong dalawa kong favorite na anime movie pala iyong pinanood niya. 

“Sige nga kung nanonood ka, sino favorite mong character sa Weathering With You at Your Name?”

He shrugged. “Wala akong natatandaang characters o names. I like the characterization of the male leads. Cliche stories were focused on female leads, but they didn’t give justice to the male lead. Pero iyong anime na mga sinabi ko ay may magandang characterization.”

Sa totoo lang, sa Kimi No Nawa talaga ako naiyak na anime na walang namatay. Ewan ko pero kakaiba ‘yung feels ng panonood no’ng movie na iyon. Kahit love story siya ay mas naiyak pa ako sa storyline kaysa kiligin pero nakakakilig din naman kasi ang gwapo ni Taki. Isa iyon sa mga asawa ko sa anime world.

Pagkarating namin ng Tokyo Station ay sumakay kami ng tren papuntang norte. Iyon kasi ‘yung nakalagay sa Google kung paano makakapunta ng Akihabara. Habang naghihintay sa loob ng tren ay nag-search ako ng magagandang shops. Radiokaikan caught my attention. Marami kasing vlogs and articles about do’n ang it’s freaking ten-storey shop.

A Winter in JapanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon