#CharltonAWIJ
Kabanata 10
Goodbye, Japan
"Ang daming cherry blossoms!' tuwang-tuwa kong sabi nang makarating kami sa Osaka Castle. Bumungad na kasi 'agad sa'min ang mga puno ng cherry blossoms na nakapaligid sa kastilyo.
"Seve, selfie tayo rito." Hinila ko ang kamay ni Seve. Umakbay ako sa kanya at saka itinapat ang cellphone ko sa amin. Simple lamang siyang ngumiti at nag-peace sign.
Kailangan kong bumawi sa kanya dahil maghapon lang kaming nakahiga sa hotel kahapon dahil sa sakit ko. Hanggang bukas lang naman kami rito sa Osaka dahil sa susunod na araw ay sa Kyoto naman kami pupunta.
Nang araw na 'yon ay nagpunta pa kami sa Osaka Aquarium at Minami. Pagod man ay nagawa pa rin naming pumunta sa Kurumon Market nitong gabi.
"Grabe ang daming pagkain. Nakakademonyo gumastos," pabulong kong sabi. Napatingin naman sa'kin si Seve. Narinig ba niya 'yung sinabi ko?
"Hindi naman masamang i-try 'yung mga pagkain. That's the reason why we're here." May pagka-demonyo rin talaga 'tong si Seve. Kahit naman nasa Japan ako ay gusto ko pa rin na tipirin ang pera ko. Hindi naman porke libre na niya ang hotel ay puwede ko nang ubusin ang pera ko.
Isinakbit ko ang braso ko sa braso ni Seve habang naglalakad. Mas kumportable akong gawin 'yon kaysa walang kasabay sa paglalakad. Dahil dakilang nagtitipid ako ay 'yong mga free taste na lang ang tinikman ko. Kung titikman ko ang lahat ng free taste rito sa Kurumon Market ay baka busog na ako paglabas.
Natigil kaming dalawa nang makakita ako ng Porcupine na tinapay. Ang cute no'n at nakakademonyong bumili. It reminds me of Seve kasi naka-cross 'yung kilay ng porcupine at tila nagsusungit. Mukha pang masarap dahil nakapanlalaway 'yong kulay. Ito na yata ang unang gastos ko ngayong gabi.
"Sa lahat ng masasarap na pagkain na nadaanan natin ay d'yan ka lang pala gagastos?" Habang naglalakad ay may nadanggi siya. "Sorry," aniya sa Japanese na nadanggi.
"Ang cute kaya pati mukhang masarap naman, ah." Inilabas ko sa plastic 'yong tinapay at inilapat ang labi ng porcupine sa labi ni Seve. "Ayan, para ka nang humalik sa sarili mo." Nandidiri naman niyang kinuskos ang labi. Ang arte nito. Pagkain kaya 'yon.
"Kagabi mo pa gustong halikan ang labi ko. Tell me the truth, Riya." Kumunot ang noo niya. Nagsungit na naman siya. Parang hinalikan ko lang siya kagabi ay 'di na siya nakatulog dahil do'n. Masiyado bang memorable 'yung halik ko kagabi sa kanya? Smack lang naman.
"Ang kapal mo, Seve. Sinabi ko nga sa'yong it's just nothing. Ikaw ha, lagi mo 'kong iniisip," pang-aasar ko sa kanya.
We stared at each other for a few seconds. Hinila niya ang katawan ko palapit sa kanya. Our bodies collided like stars in the limitless night sky. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. I traced his face from his creased forehead onto his perfectly curved jaw. Parang kami lang ang tao ngayon dito sa ginagawa namin. Hindi ko na pinansin ang mga nadaan at idinampi na lamang ang labi ko sa nanunuyot niyang labi.
Hindi siya nakatugon sa ginawa ko pero mayamaya pa ay sumabay na rin siya sa bawat paggalaw ng labi ko. He locked his hand on my shoulders. Gano'n din ang ginawa ko sa batok niya. Hindi ko na mai-de-deny na gusto ko siya. Nagustuhan ko ang snowball at Seve Mouse na 'to.
Kinabukasan ay nagtungo kami sa Universal Studios, Tenjin Matsuri, at iba pang lugar dito sa Osaka. We're like a couple, but we're not. I like him pero hindi naman ako sigurado kung mahal ko siya. Hindi ko rin naman alam kung gusto niya ako o tumugon lang siya sa mga halik ko. 'Di ko na-imagine na makikipaghalikan ako sa katulad niyang sixteen years old. Para na akong nag-jowa nang mas bata sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...