#CharltonAWIJ
Kabanata 13
InParang bagyong dumaan ang nangyari sa akin sa buong barangay. Mas mabilis pa sa lawin ang pagtawin ng balita tungkol sa sakin. Hindi naman napigilan ang mga judgmental na tao. Marami na akong narinig na malandi, kire, pokpok, at kung ano pang masasakit na salita sa tuwing lumalabas ako ng bahay. People will think what they want to think.
Gladly, I passed the test. Ibinigay sa amin ‘yong mga card naming bago mag-semestral break.
“Ang taas ng grade mo rito, oh. Sinasabi ko na nga bang hindi bobo ang apo ko,” sabi ni Lola. Ngumiti na lamang ako. PE subject kasi ‘yon. Halos lahat naman kami ninety-five o ninety-six ang grades.
Hindi ako matalinong tao. Dalawa lang ang line of nine ko sa card kasama na ro’n ang PE. Hindi rin naman ako bobo para magkaroon ng eighty-one. It’s that I made a mistake that’s why I come up with a decision.
“Lola, hindi na siguro ako papasok ng second sem.” Kumunot ang ulo ng lola ko. Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang kamay.
“Bakit, Riya? Limang buwan na lang at tapos ka na ng grade twelve. Kakayanin mo naman sigurong ipasa. Kahit seventy-five o seventy-six pa ‘yan ay ayos lang sa akin.”
Nginitian niya ako pero hindi ‘yon ‘yung dahilan. It is because I am scared.
“Nawala ko ‘yong nag-iisa kong kaibigan sa paaralan. Lahat ang tingin nila sa akin malandi at haliparot. Wala akong nakakausap sa school tapos sa tuwing may mababanggit tungkol sa teenage pregnancy at pagbubuntis ay ako parati ‘yong example. Hindi ko na kaya, ‘la. Lumalaki na rin ang tiyan ko. Hindi ko kakayanin na pumasok na nakapambuntis. Sorry, ‘la kung palpak ako bilang apo mo.”
Hindi ko na napigilan na lumuha. Hindi ito ‘yong sinabi ko kay Lola bago ako tumuntong ng high school. Hindi apo sa tuhod ang regalo ko sa kanya kundi medalya pagkatapos ng school year.
“Apo, sigurado ka na ba d’yan?” Tumango ako nang walang pag-aalinlangan. Magta-trabaho na lang siguro ako habang kaya ko pa para sa anak ko. “Hindi kita pipigilan pero kung gugustuhin mong pumasok muli ay tutulungan kita.”
Ang ngiting iyon ay ang naging motivation ko para harapin ang malaking hamon ko sa buhay. Nag-trabaho ako bilang waitress at nag-try rin ako mag-online selling at networking. Hindi gano’n kalaki ‘yung kita pero may naiipon naman ako. Gusto nga ni daddy na huwag na ako mag-trabaho pero hindi ako puwedeng umasa sa kanya lalong-lalo na’t may sarili na siyang pamilya at ako rin naman ang nagkamali.
Pito’t kalahating buwan lamang akong nagbuntis. Pre-mature kung tawagin ‘yong anak ko pero ang sabi naman ng doktor ay normal lang daw at walang kumplikasyon. Normal lang din daw sa mga teen mom ang manganak nang mas maaga sa siyam na buwan. Sa una natakot ako dahil kahit na isang pagkakamali ang baby ko ay hindi ko pa rin ito kayang pabayaan.
“Seb, halika rito kay Lola. Ang nag-iisa mong kamukha.” Napangiti ako nang buhatin ni Lola Teda si Baby Sebastian mula sa kuna. I love the name Sebastian noon pa man kaya ‘di na ako nag-alinlangan na iyon ang ipangalan sa anak ko.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng bahay at pumasok ang kapatid kong si Ivan. Nag-half smile siya sa akin at nginitian ko naman siya pabalik. Dali-dali siyang lumapit kay Sebastian at humalik sa noo nito. Pagkatapos ay sa akin siya lumapit habang may inilalabas sa bag.
“Oh, Ate. Nag-sale kanina sa mall kaya ibinili kita.”
Tsupon ‘yon ng baby pero pang-three months pa. Si Ivan bibili nito?
Niyakap ko ang kapatid ko at hinalikan siya sa pisngi. Even though I lost my friend, I still have Ivan and Lola Teda to take care of me and my son. Hindi nila ako pinabayaan habang ipinagbubuntis ko si Sebastian.
BINABASA MO ANG
A Winter in Japan
Romance|Charlton Series #3| |Completed| It was one in a million for a person to marry someone who is a complete stranger to you. ... Riya was addicted to anime and pens, but an opportunity knocks as her father gave her tickets and money to go to her dream...